Chapter 4: Welcome to Magicus Academy
"I'm Eroll Salvez, your protector from day and night. Your knight with no armor but have a perfect figure body..."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at idinikit niya ang katawan niya sa akin. Naramdaman ko ang init ng katawan niya kaya nailagay ko ang mga kamay ko sa dibdib niya para hindi niya mailapit ang katawan niya sa akin.
"T-Tumigil ka nga—" Hindi ko na naisigaw ang sasabihin kong yun sakanya nang bigla siya tumalsik patalikod. Parangnagkaroon ng malakas na pwersa ang mga kamay ko kaya nagawa ko yun.
Agad ko siyang nilapitan sa kaharap na puno kung saan siya tumama. Nakasandal siya doon at pilit na hindi iniinda ang sakit ng pagkakatama niya. Nakaramdam ako ng sobrang awa at sinisisi ko ang sarili ko.
"O-Okay ka lang b—"
Hindi ko na tinapos ang sasabihin ko ng tumingin siya sa akin—ng masamang masama. Napalunok ako ng sarili kong laway at parang napako na ako sa kinatatayuan ko dahil sa paraan ng kanyang pagtitig sa akin.
"H-Huy! T-Tumayo ka na diyan" Nakangiwi kong sabi at iaabot ko na sana sakanya ang kamay ko pero bigla siyang nakulong sa loob ng itim na bola.
Hindi ko na nalaman ang sumunod na nangyari nang tumalsik ako at nagpagulong-gulong sa sahig at tumama sa puno kung saan ako nacorner niya kanina. Hindi na ako nakasigaw dahil sa sakit kasi hinang hina na at manhid na manhid na ang katawan ko...
***
Eroll Salvez Point of View
I don't know what happen next, but the next thing for sure is I hurt her because I can't control my power...again.
Nanatili akong nakakulong sa kadiliman at naalala ko nanaman ang nangyari, 2 years ago sa Kuya ko na naging dahilan ng paglayo niya sa akin.
<Flashback>
"Kuya salo!" Sigaw ko kay Kuya Tristan at ibinato ang hugis bolang niyebe na gawa niya.
Sinalo niya naman ito at gumawa pa ng mga snowman sa paligid. Hindi maitago ng mukha at mata ko ang saya, na kahit sobrang lamig na dito, enjoy na enjoy parin kami sa paglalaro.
"Eroll, tumabi ka na d'yan at magpapasabog na ako ng snow at baka tamaan ka diyan!" Sabi ni Kuya Tristan sa malayo pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paggawa ng maliit na snowman.
Alam ko naman na aabot dito ang papasabog ng snowman pero alam ko din naman na hindi ako papabayaan ni Kuya Tristan na kasaktan.
Natapos ko na ang maliit na snowman na pinaghirapan ko kaya tumayo na ako sa pagkakaupo at doon ko lang napansin ang paparating na snowflakes sa akin kaya hindi na ako nakaiwas at tinamaan na ako nito.
Hindi ako makagalaw sa lamig ng pakiramdam ko. Para na akong isang bangkay sa sobrang lamig. Narinig ko ang nagmamadaling hakbang at lakin tuwa ko ng pumunta si Kuya Tristan sa tabi ko at hinwakan ang dibdib ko.
Ramdam ko ang unti-unting pagkawala ng lamig na pakiramdam ko. Pero merong isang parte ng katawan ko na gusto ng dugo... Gusto ng bangkay... At gusto ng kasamaan.
BINABASA MO ANG
Magicus Academy: Where The Magic Was Born
Fantasi-Highest Rank Achieved #45 in Fantasy- Magicus Academy: Where The Magic Was Born Hearing such a bad things is normally to her. Being bullied is she doesn't care. She never thought that one day her life will be so mysterious. A mark... A legendary m...