CHAPTER 3: OH MY!

39 4 2
                                    

Rafael/RJ Hilford's POV (yieeXD)

Psh!Ang aga ko ngayon nandito sa School , binabagot pa ako -___-  Eh pano naman ako hindi gigising ng maaga, yung tatay ko na ung nag-utos, may magagwa pa ba ako?Bugbugin pa ko nun , Malaki na  raw ako, matuto na raw akong maging independent. -_____-

At dahil maaga pa, dumiretso muna ko sa cafeteria. First day of class pala ngayon. 9am pa nman ang start ng klase pero ang aga kong nandito.7AM to be exact. *lub-dub* *lub-dub* watda? Bakit ganito? Eh pano naman kasi , nakita ko na naman SYA. Oo, sya. Yung babaeng na-meet ko sa National Book Store last time, nabubwiset ako sa kanya, pero di ko alam kung bakit parang may kakaiba sa kanya na wala sa iba. Psh ang bading ng sinasabi ko. >,< Pero parang gusto ko sya, MAGING flavor of the week 3:)

So here I am, nakita ko sya kumaka in, I don't know why I pull one chair near her na ikinabigla nya. Psh , nagsungit ako sa kanya dahil masungit talaga ako. Pero there's one weird thing that I did, I don't know why I Introduced my self to her. INTRODUCEDmy WHOLE NAME? What is the hell am I doin? I got confused sa mga kawirdohan na ginagawa ko so I LEAVE. Yes, umalis ako. Babalik nalang ako sa classroom ko. -__-

Pagkarating ko sa room ay wala pang masyadong tao, Pero andun na yung mga ugok kabigan ko. 

"Oh pre, ang aga mo ata ngayon?" -sabi ni Kelly, ang pinakamatalino, friendly samin tatlo, at higit sa lahat, ang hindi interesado sa babae.-__- Pero pareho sila ni Lourence na mgakakonchaba pag dating sa pangangantyaw saken >,< Pero mas malala ho si Lourence . 

"Oo nga, siguro nabulabog ka na naman ni Tito Michael noh. Wahaha!"- Sabi naman ni Lourence, as I said, sya ang pinaka magulo saming tatlo, pero habulin rin ng chix yan. 

"Tigilan nyo nga ko, mga ugok kayo!" -sabi ko sa knila

"Anyways pre, Kita ka namen knina ah." -Kelly

"Oo nga, sino yun? Bagong laruan mo na naman?Pero bakit parang LQ kayo nung babae mo knina ?"-Lourence

"Psh, hindi ko sya babae! I don't know her yet, she's different, sya lang ang nagtangkang sigawan ako sa harap ng maraming tao, napaka amasona nya, di nya kasi ata ako kilala!"

"Naku pre, mahirap makuha yan, tsk, exciting to 3:>"

"Ehem, one thing pa, narinig ka naming nagpakilala sa kanya, tol bakit? Uy ikaw ha,XD "- Kelly

"Eh kasi nga hindi nya ako kilala kaya nagpakilala ako."

"Wushuu, reasonssss. XD"-Lourence

"Litsi kayong dalawa, isa pang asar saken, makukutusan ko kayo pareho -_____-" 

"Eto naman di mabiro, pero pre ano ng plano mo ngayon?"-Lourence

"Tss, since matigas sya, tignan naten kung hanggang saan ang kaya nya. Ako yata si Rafael James Hilford, The Campus Cassanova here. I can get all girls that I want."

"Tsk, ikaw na pre. Ikaw na CASSANOVA. Tss, so ano na ngang plano mo ngayon nyan? Ano na namang trip yan? "_Kelly

"Lapit  kayo dito, eto ang plano ko......"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Erica's POV

--6:54Am--

2nd day of class na, nandito na naman kaming tatlo sa cafeteria.. As usual, maaga tlaga kaming pumapasok para makapag kwentuhan. At makatambay sa cafeteria, malamig kasiXD So etong dalawa iniintriga na naman ako sa nangyari kahapon. 

"Bessy, hindi ka siguro nakatulog kakaisip sa kanya noh? XD WAHAHAHAXD"-Krissy

"Oo nga, halata naman eh. Krissy, kinikilig yan. XD"-Jhanine

"Peste kayong dalawa, anong klaseng bestfriend kayo? -___- Tsh, di ko sya iniisip noh,"

"Wushuuu, Ikaw talaga! XD Si Fafa RJ di mo lang ba sya type?"-Krissy

"HINDI -__-"

"Naku Krissy hayaan mo sya, tatandang dalaga yanXD"-Jhanine

"Litsi talaga kayo, wala nga kasi akong balak -__- Lalo na't sinabi nyo sakin na CASSANOVA pala yun. -____-."

"Uhhm, okay na yun, at least full package na XD" -Krissy

"Oo nga, bahala ka, paghahatian namin ni Krissy yunXD" -Jhanine

"Hindi ako interesado sa kanya . Psh Edi sa inyo na -___-"

"Eto naman nagseselos ka agad XD"-Krissy at Jhanine

So ayun nga, kung saan saan na napunta ang topic namin. Trip talaga nila akong asarin eh. -__- so Malapit narin mag-time kaya umakyat na kami. May dala dala pa akong juice sa baso habang umaakyat,. Oh diba parang endorcer lang. XD
Naglalakad na kami sa hallway papuntang classroom, sa di kalayuan, nakarinig kami ng ingay, at alam naming galing yun sa classroom namin.

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!"
"OH MY GEE! Bakit sila nandito? Siguro nagtransfer sila ng section dahil sakin"
"Ang garapal naman nyang pagmumukha mo, dahil sakin kaya!"
"Hoy mga echusera kayo, dhil sakin noh"=---

Ayan , ayan ang mga naririnig naming ingay, puro tili , sigawan , at bulung-bulungan ng mga babae sa classroom namin. Ano kayang meron? 
Pag-pasok namin wala pa yung prof namin. Pero mayroon akong di kaaya-ayang natanaw. (natanaw talaga?XD) Umupo na ko na ko sa upuan, ganun din sila, pangalawang row kasi kami sa likod.

Pagtingin ko kila Krissy at Jhanine, halos tulala, naglalaway na ata, at nanlalambot sa kilig. GRABE, alam nyo ba kung bakit?

Ehh pano naman kasi..

"Hey ^_^" -sabi nung tatlong lalaki na nasa likod namin. Oo ayun ang di kanais-nais na natanaw ko, kasi andito din SYA. Oo sya! >.< Bakit sya nandito? Dba Class A sya? 
Kinuha ko saglit ang cellphone ko sa bag, para makapaglibang muna, dahil hindi ko na talaga alam ang mga nagyayari, pero nung pagtalikod ko sa bag ko ay nasagi ng sikoang juice sa baso patalikod, kaya dumiretso yun sa kanya, kay Rafael "aka" ALien cassanova -__- 
HALA! Paktay kang bata ka, natapunang ko sya ng juice sa UNIFORM nya O.o!!!!! Nagulat sya sa nangyari, pati ang mga kaklase namin, pati Sina Krissy, at maski ako nagulat sa nagawa ko. At ito pa ang mas nakakagulat.. Ito lang naman ang sinabi nya..

"Make sure, you'll pay for this -_^"

OHMY! Yan ang sinabi nya na nakapagpatayo sa balahibo ko, Sinabi nya kasi yan habang nakangisi sakin, na parang mayron syang di magandang gagawin. Gusto kong magsorry pero walang lumlabas sa bibig ko. HALA! Ano na gagawin ko? Pano na to ngayon?(TuT)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

&quot;HEART STEALER&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon