Station 1
Anubayan. Pakshet naman! Ang tagal ng tren malilate na ako eh.
"Haaaaaaaaaaaaay!!.."
Habang nag aantay ako ay may dumating na isang lalaking naka itim. Naka suot sya ng shades at naka headset. Umupo sya sa tabi ko. Teka nga, anong oras na ba? Tiningnan ko yung relo ko. Kaso naalala ko, wala nga pala akong relo. Hehe!! Tiningnan ko naman yung phone ko. Kaso lowbat dahil di ko na charge. Kaya no choice.
"Excuseme. Pwede mag tanong?"
Tumango lang sya.
"Ah.. Anong oras na?"
Pero tumango lang ulit sya. Eh??
"Anong oras na? Pwedeng malaman?"
Sa pangatlong pagkakataon, tumango ulit sya. With matching...
"Yeah! Let's fly~~~ Up up here we go go!"
Leche. Nakikinig pala ng music kaya di ako naririnig. Para tuloy akong tanga na nagsasalita mag-isa dito. Wag na nga lang.
Mga ilang minuto din.
*TSUG TSUG TSUUUUUUG!!!!!!!!*
"Hay sa wakas."
Tumayo na ako. Buti naman dumating na tong pagong na tren na to. Pagbukas ng pagbukas ng pinto ng tren, papasok na sana kaso...
"Excuse me."
"Aray!"
Aba leche! Bastos yun ah! Yung lalaking naka itim kanina ay binangga ako at inunahan akong makapasok sa loob. Aba'y ang gentleman naman! Pagpasok ko sa loob sobrang sikip dahil ang dami ng tao. Wala nang mauupuan kaya pumwesto na lang ako dun sa tapat ng upuan. May hawakan naman kasi. Kaso sa kasamaang palad nasa harapan ko tong mokong na to. Kainis naman oh oh.
*Sniff* *Sniff* Enbeyen. Puro amoy mandirigma tong mga katabi ko.
"Ay butiki!!"
"FTI Station. FTI Station."
Umayos ako ng tayo at hinigpitan pa lalo ang kapit.
"Ok ka lang miss?"
Tanong nung lalaking katabi ko na nakatayo din.
"Ah.. Hehe! Opo."
Muntik na kasi akong matumba nung huminto yung tren eh.
"Excuseme. Pre, paupuin mo naman tong babae."
Sabi nya naman dun sa lalaking nakaitim. Kaso di nasagot.
"Pre. Paupuin mo naman------"
"Ah.. Kuya wag na po. Di ka naman naririnig nyan eh. Nakaheadset kasi."
"Ah.. Tiis tiis na lang muna miss ha. Puro babae din kasi yung katabi nya eh."
"Ok lang."
Buti pa to si kuya, gentleman kahit di naman kagwapuhan. Eh itong isa! Pogi nga gentledog naman!
Sa tuwing nahinto yung tren lagi na lang akong naa out of balance. Wala pa rin kasing bakante kaya di pa ako makaupo. Yung gentleman naman kanina umalis na.
"Ay palaka!!!!! S-sorry po."
"San Andres Station. San Andres Station."
Nakakahiya. Pang ilang beses ko na kasing tong muntik matumba. Di talaga ako magaling sa balancing eh. Bwiset kasi tong lalaking to eh! Di man lang marunong makiramdam. Ok lang yan Geil. Tiis tiis na lang isang station na lang rin naman bababa ka na. Umandar na ulit yung tren. With matching alogalog kaya lagi akong naa-out of balance. Maya maya..
"Miss.. Gusto mo umupo?"
Naks naman! Sa wakas at nagoffer na rin sya ng upuan!
"Oo sana eh."
"Geh, upo ka."
"Saan?"
"Ah..."
Tumingin sya sa kaliwa't kanan nya.
"Pag may bakante na. Wala pa kasi eh."
E-EH?? o_O
ANAK NG TOKWA NAMAN!!! LITSI!!! AKALA KO PA MAN DIN PAUUPUIN NYA AKO PERO.. PUTANG INA TALAGA!!!!! NAKAKAPANG INIT NG DUGO!!! WOOOOOOH!!! BAKA MAPATAY KO TO EH!!!!! FAK FAK FAKSIYET!!!
"Ah sige na nga. Dito ka na lang umupo sa upuan ko. Binibiro lang naman kita eh." sabay tawa sya ng mahina.
"Wag na. Labag naman sa kalooban mo."
"Edi wag."
Aba leche! Di man lang ako pinilit?? Magsasalita na sana ko ulit kaso biglang tumigil yung tren. Kaya naman.....
"Ay kalabaaaw!!!!"
"Sta Mesa Station. Sta Mesa Station."
. . .
. . .
. . .
. . .
Dahil sa paghinto ng tren na-out of balance ulit ako at tuluyan nang natumba. *gulp* sakanya. Ilang segundo din akong nakaganun sakanya. At nararamdaman kong marami ang nakatingin samin.
"Again. Sta Mesa Station. Bumaba na po lahat ng bababa."
"Ahmm.. Excuseme."
"Ha?"
"Bababa na ako."
"Ay. S-sorry."
Tumayo ulit ako ng maayos at tumayo na rin sya.
"Ang bigat mo. Mag diet ka."
"Ha?!!!!"
Pagkatapos nyang sabihin yun ay lumabas na sya. Bago pa sya makalabas ay binangga ko sya at inunahan tulad ng ginawa nya sakin kanina.
"Excuseme nga. Ang lapad mo, nakaharang ka."
Bwahaha! Kala mo ah!
Pero nung sinabi ko yun tumawa lang sya ng mahina. Naasar kaya sya?
Habang naglalakad papunta sa school, naramdaman kong parang may sumusunod sakin. Kanina pa nga eh. Lumingon ako saglit at nakita ko sya. Tss. Sya lang pala ulit. Teka?!?! Sya?!?!
"Sinusundan mo ba ako?!"
"Hindi no. Asa."
"Talaga lang ha. Kanina ka pa nasa likuran ko."
"Dyan din ang school ko. Wag ka ngang feeler." *smirk*
Tapos binangga nya ulit ako at sinabing....
"Tabi nga. Ang lapad mo, nakaharang ka."
Eh?? o_O
AAAAAAAAAARGGHHH!!!!! PAKSHET! PAKSHET! PAKSHET! PAKSHET! >.<