Station 4
Pag uwi ko sa bahay ay agad akong humilata sa kama. "Nakakapagod tong araw na to." Ang daming projects at assignments. Ang daming kailangang gawin. Ipinikit ko na ang mga mata ko. Biglang nag ring yung phone ko. At dahil sa sobrang tamad at pagod ko ay di ko na tiningnan kung sino yung nag message. Inaantok na talaga ako!!!!!!
ZzzZzzzZz...
*Kinabukasan*
"Geil!!!!!! Gumising ka na!!!!"
"Hmfsk.. Maya na ma.. Antok pa ko. hmm.."
"Inaantok ka pa? Sige lang! Ilang oras ka na kayang late."
Napabangon ako bigla. Dahan dahan akong tumingin sa orasan at... *Gulp*
"Waaaah!! Late na ako!!! Mama naman bakit di mo ako ginising?!"
"Ako pa sinisi mo? Itong batang to!"
Agad akong tumakbo sa CR bago pa ako makurot ni mama. Hehe. After kong maligo at mag ayos ay umalis na ako agad. Habang nag aantay ng tren. Napansin kong wala ata sya. Siguro nauna na sya. Late na rin kasi. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa kaso... "Ay siomai!!!"
Nakalimutan ko yung phone ko sa sobrang pagmamadali!!! Geil naman!!!!!
-----------------------
10 pm na ako nakauwi. Nanggaling pa kasi ako sa bahay nila Jessa. Nakakainis nga dahil napagalitan pa ako ng prof namin kanina
>.<
Paguwi ko sa bahay sinalubong ako ng sermon ni mama.
"Ikaw bata ka!! Anong oras na?! Ha?!
Sumagot ka!!"
"10"
"Aba! Sumasagot sagot ka na?! 8 pm dapat ang uwi mo pero ngayon ka lang dumating? Ikaw talagang bata ka ang tigas ng ulo mo! Paano kapag na rape ka dyan sa daan?!!"
"Ma!!!! Goodnight. Labyu."
Umakyat agad ako sa kwarto bago pa ako mapektusan ni mama. Haha. Haaay gusto ko nang magpahinga.!!! Ay teka ! Yung phone ko. Pagtinging ko dito merong 30+ unread messages at 10 missed calls. Lahat ng yung galing kay Lance.
"Geil,nasan ka na? Nag aalala na ako sayo."
"Geil,pupunta ka pa ba?"
"Mag aantay lang ako dito. Aantayin kita."
"Gusto mo talagang makatay ha?! San ka na ba?"
"Hoy baboy!!!"
"San ka na? Baboy."
Nung binasa ko yung nasapinaka huling message...
"Hoy bachoy! Pumunta ka sa train station bukas. 8 pm after ng class mo. Hihintayin kita dun. May kailangan lang kasi akong sabihin sayo. Pag di ka pumunta kakatayin kita! Hahaha!! Goodnight. <3"
8pm sa train station?? Teka anong oras na ba?? Lagpas 10 pm na ah!! Tska,kahapon pa nag gabi itong message na to. Hindi kaya??..
Agad akong umalis at nagmadaling pumunta dun sa train station. Pagdating ko walang ng katao tao at sobrang dilim na. Andito pa kay sya??? Maya maya ay may lumapit saking guard.
"Miss. Ano pang ginagawa mo dito? Wala nang tren ngayon."
"Ang kuya,may nakita po ba kayong-----"
Di nya ako pinatapos sa pagsasalita.
"Naku miss umuwi ka na. Delikado na dito ngayon. Kanina nga lang ay may napagtripan ditong lalaki eh."
"Ano ho?!?! S-sino pong lalaki? Nasan na sya?"
"Hindi ko na alam. Basta kami ang humuli dun sa mga lalaking kanina. Kaya ikaw umuwi ka na."
Nanghina ako sa narinig ko. Hindi kaya sya yung tinutukoy ni kuya. Hindi. Hindi pwede.
Napatakip na lang ako ng mukha ko. Kinakabahan ako. Parang gusto ko nang umiyak.