Station 2

26 1 0
                                    

Station 2

Simula nung araw na yun lagi na kaming nagkakasabay sa tren. Pag nagkikita nga kami laging unahan,tarayan at asaran. Sa araw araw na ginawa ng Diyos laging ganun ang sistema namin. Di ko alam,pero parang may galit kami sa isa't-isa at di ko rin alam kung anong pinanghuhugutan namin. Dati naman di ko sya nakakasabay at nakikita palagi dito,pero ngayon halos araw araw na lang. Ni hindi ko nga alam ang pangalan nya eh!! Bakeeeet?!?!

Ang drama amfootspa. -w-

Pero isang araw. Sabado ngayon. Wala akong subject na kailangang pasukan kaya naman naka t-shirt,shorts,rubber sheos at body bag lang ako. Pupunta kasi ako sa bahay nila Jessa para planuhin ang nalalapit nyang debut. At syempre imbitado ako no! Sa Sta. Mesa din ang bahay nila kaya kailangan ko pa ring sumakay ng tren.Pagkakuha ko ng ticket narinig ko agad yung tunog ng tren.

*TSUG TSUG TSUUUUUUG!!!!*

Buti naman. Akala ko mag-aantay nanaman ako ng matagal eh. Teka..Tumingin ako sa paligid. Wala at sya ngayon. Buti naman! Hindi ko makikita ang pagmumukha nya ngayon. Ow come on!!! What a beautiful day!!!!!

Pumasok na ako sa tren. As usual,marami pa ring tao at siksikan. Kaya nakatayo lang ulit ako. Tss. Lagi naman eh :3

Nakinig muna ako ng music para di ako ma bored. Medyo mahaba yung biyahe. Di ko alam kung anong istasyon na kami. Basta alam ko malapit na. Biglang may humawak ng kamay ko at hinatak ako. Pagtingin ko...

Sya.?!?!

"Oy. Bitawan mo nga ako!"

"Ang tanga mo."

Nakakunot noo nyang sabi.

"Ha?"

Mas lalo nya akong hinatak palapit sakanya. Hawak nya pa ang kamay ko kaya medyo awkward na. Anyare dito?!?!

"Ahm.. Saglit lang. Sobrang lapit mo kasi eh. "

Nahihiya kong sabi.

"Sorry."

Namumula naman sya. Pero nakakunot pa rin ang noo at di pa rin binbitawan ang kamay ko. Inperness mabango sya ha! Atsaka mas pogi pag malapitan!!! Kyaaaaaah!!! Huehue~~ Lande. Ano ba tong pinag-iisip ko? Takte yan oh.

"Sta Mesa Station. Sta Mesa Station. "

Hinawakan nya pa ng mas mahigpit ang kamay ko at hinila ako palabas.

"O-oy teka nga! Do i know you?! Kung makahawak ka ng kamay ko. Di nga kita close eh."

"Ang tanga mo! Nahihipuan ka na di mo man lang alam! Sa susunod nga wag kang mag suot ng shorts! Akala mo ang ganda ng legs mo? Ang taba kaya ng hita mo!"

Pagkatapos nyang sabihin yun,tumalikod na sya.

T-teka..?? Anong sabi nya?!?!!! o_O

Bago sya maka-alis ay hinampas ko sya ng body bag ko.

"Aray!"

"Kailangan mo pa talagang ipagsigawan?!"

"Totoo naman eh."

Hinampas ko ulit sya.

"Aray! Ang sakit ha!"

"Sabihin mo! Nasan yung manyak na yun nang mupakan ko!"

"Wala. Umalis na. Kasi pashort shorts pa,taba naman."

"Ano?!?!"

"Aw! Ouch! Nakaka ilan ka na ha! Kung makahampas ka. Di nga kita close eh!"

Tapos tumalikod na ulit sya. Pero humarap ulit sakin. Anu ba talaga tsong? -_-

"Umayos ka ha. Pag ikaw na manyak nanaman.. Ako mismo hihipo sayo."

"Yaakkk!!!"

"Hehe! Mag diet ka!"

Sabay tumakbo na sya papalayo. Ano bang problema nya sa katawan ko?!?! Tss. Kahit pala papano marunong ding ma concern yung lalaking yun. Di ko tuloy mapigilang mapangiti.

Pakshet na yan!! Ano ka ba Geil!!!! Sinabihan ka nyang mataba ang hita mo tapos kinikilig ka pa dyan?!?! Malandi kang bata ka!!!

Love On A TrainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon