Station 5

14 0 0
                                    

Station 5

"Hoy... Hoy girl... Geil!!! GEEEEEEIIIIL!!!!"

"Oh?"

"Anong oh?! Punyeta ka! Kanina pa kita tinatawag. Bakit ba tulala ka dyan? Tsaka... Bakit mugto yang mga mata mo,ha?"

"Wala.."

"Anong wala?! Bakit nga?!"

Di ko na sya pinansin at yumuko na lang sa desk ko. Wala talaga dapat akong balak na pumasok ngayon. Kaso,sadyang mabuti akong estudyante kaya pinilit ko. Hindi ako nakatulog ng maayos kakaiyak at kakaisip sa kanya. Nag-aalala talaga ako ng sobra. Buong gabi ko syang tinawagan at tinext pero hindi nya sinasagot. Ilang beses din akong nagsend ng messages sa mga social accounts nya... Pero wala talaga. Lance naman!!! Ano ba kasing nangyari sayo?! Alam mo bang nag-aalala ako. Baka.. *sob* Baka kung ano nang masamang nangyari sayo kagabi kakaantay sakin. *sob*

"Hoy friend."

"Ha? O-oh?" Agad kong pinunasan ang luha ko at pinigil ang pagiyak.

"Pwede mo ba akong samahan mamaya.. May dadalawin lang ako sa ospital."

"Ha.. Ahmm. Kasi.."

"Sige na please!! Wala kasi akong kasama eh. Please??"

"*sigh* oo sige na."

---------------------------------

"Jessa,saan ba talaga? "

"Dito lang yun eh."

"Saan nga dito? Susme kanina pa tayo eh."

"Eto! 306.. Dito yun!"

"Oh edi tara na."

Kumatok ako. "Ano ka ba bakit kapa kumakatok? Pumasok na tayo agad. Goooo!!"

Ako na ang nagbukas ng pinto at unang pumasok. Pagpasok namin,may isang batang lalaki na naka higa habang naglalaro ng iPad. Siguro mga nasa 8 years old pa lang sya. At ang pogi!!

"Hi." Bati ko.

"Who are you?!" Gulat at iritado nya namang sagot.

"Ah.. Kaibigan ako ng pinsan mo."

"Pinsan?"

"Oo. Si Jessa. Diba? "

Lumingon ako kay Jessa na nakatulala lang na parang ewan.

"Hoy. Jessa.?"

"I don't know you!!!! Both of you get out of here!!!!" Sabay bato sakin ng unan.

"Ha?! Teka wait lang!"

"Moooooooooommy!!!!!!!"

Nataranta ako dahil biglang sumigaw yung englisherong bata. Tapos bigla akong hinila palabas ni Jessa.

"Jessa,ano ba yun? Akala ko ba pinsan mo yun? Bakit parang di ka kilala."

"Ah. He he. Mali tayo ng napasukan."

"Ano?! Aba peste ka!!"

"Sorry.. Ah alam ko na! Room 309 pala! Tara!"

Lecheeeeeee!! Engot talaga tong babaeng to! Ang layo ng 306 sa 309. Tonta talaga!!! Hindi ko alam kung bakit naging kaibigan ko to..

Pumasok na kami dun sa room. This time sya na ang pinauna ko. Mahirap na eh -_-

Pagpasok namin.. "Yow insan!!! Hawarya??"-Jessa

"Oh. Jessa ikaw pala!" Nakangiting sagot nung pinsan nya.

T-teka.. Saglit. Mali ba ako ng nakikita o sya talaga to? Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa gulat. At ganun din sya nung nakita nya ako. Naka upo sya sa kama at mukhang nanunuod ng TV nung di pa kami dumating.

"Yup ! It's me,your very beautiful cousin! And oh, by the way! I'm here with my----"
Hindi nya na pinatapos ng pagsasalita si Jessa.

"Geil.. What are you doing here ?"

"A-ahh.. Uhmm.." Ano ba? Di ko alam ang isasagot ko.

"What? Wait ? You know her?  You know him? You know each other?" Baliw talaga tong babaeng to -_-


Tumango si Lance sa tanong ni Jessa. At syempre nagulat sya. Kahit din naman ako. Di ko inaasahan na pinsan nya pala si Lance.

"Really? Paano-- OW. MY. GOD. Lance.. Don't tell me that she's the train girl you were talking about?"

"Yeah. It's her." Namumula nyang sagot. Wait. So kinukwento nya ako kay Jessa?
Pero diba dapat..

"Really?? OMG What a small world! Siguro kung sinabi mo agad sakin yung name nya edi matagal ko nang nalaman na the two of you are dating pala. And sana natulungan na kita diba? Pabebe ka pa kasi eh!" Gusto ko sanang putulin ang pagsasalita nya para sabihing di kami literal na nagdedate. Kaso wala eh.. Walang preno.

"And you Geil! Why are you not telling me about this?? Hmm.. We have to talk later, ok? So for now, I'm gonna leave you guys alone to buy some foods and drinks outside. So just take your time guys. Talk about some stuff while I'm not around. Ya know! Hahaha byeeiii~~ " sabay walk out na sya.. At malamang kami na lang dalawa ang natira. Tahimik lang kami nang bigla na syang nagsalita. Hay sa wakas !

"Umupo ka na kaya."

"Oo nga. Eto na nga eh." Sagot ko. Umupo ako dun sa upuan na katabi ng kama nya. Malapit ako sakanya. Tiningnan ko sya ng mabuti. May mga bandage sya sa mukha at sa braso. At may mga maliliit din na gasgas sa ilang part ng katawan nya. Anong bang nangyari? Kasalanan ko ba to?

"Oh bakit ka nakatitig dyan? Naaawa ka?" Nagulat ako sa biglaan nyang tanong at di nakasagot. Tumawa sya ng mahina. "So.. kaibigan ka pala ni Jessa."

"So pinsan ka pala ni Jessa.?" Sagot ko naman.

"Ang liit nga naman talaga ng mundo no. Actually Geil.. I'm so happy to see you and to know that you're fine. Nag alala kasi ako sayo ng sobra nung di ka nagrereply sa mga texts ko at nung di ka sumasagot sa mga tawag ko nung gabing yun. Baka kung ano nang masama---- Ouch!! Aray bakit mo naman ako hinampas?!"

"Siraulo ka. Ikaw pa ang nag aalala? Tingnan mo nga yang nangyari sayo! Kasalan ko yan. Tsaka bakit naman kasi nag-antay ka pa sakin e gabing gabi na? Alam mo bang... buong gabi akong umiyak at di nakatulog sa kakaisip sayo. Sobrang nagalala ako Lance." Yumuko ako dahil sa hiya. Konti na lang ay paiyak na ako.

"Talaga?" Sinilip nya ang nakayuko kong mukha. "Nag-alala ka sakin ng sobra?" Nakangiti nyang tanong. Pero pinalo ko lang ulit sya sa braso. Mahina lang naman.

"Ouch! Pangalawa na yun ha! Pero.. Di nga ? Nag alala ka sakin?

"Malamang! May puso naman ako kahit papaano no. Sorry." Napangiti nanaman sya ng bahagya at tumawa ng mahina. "Bakit ka nagsosorry. Choice ko naman na antayin ka."

"Kahit na. Di ko kasi agad naba---" 

"Ssshh.." HInarangan nya ang labi ko ng daliri nya. "Ang dami mo namang sinasabi dyan e. Ok naman ako. Tsaka ok ka din. Yun ang importante". Sa bagay tama naman sya. Tsaka nangyari na. Pero nagiguilty talaga akoooooooooooooooooo!

"Bakit ba kasi gusto mo makipag kita dun sa train station? Tapos alas otso pa."

Ngumiti lang siya. 

"Oy. Bakit nga?"

"Next time na."

"Ha?"

"Next time ko na lang sasabihin. Ang wrong timing eh." sagot nya.

"Di ko alam kung ano ba yang sasabihin mo na yan. Pero tama, wrong timing nga kasi dapat ngayon nagpapahinga ka lang."



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love On A TrainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon