Station 3
Simula naman nung araw na yun ay bihira na lang kaming mag-away. Although,may konting asaran pero nauuwi naman sa tawanan. Medyo weird nga eh. Palagi kaming nagkikita pero di pa rin namin alam ang pangalan ng isa't isa. Pero eto ang malupet! Dumating ang isang weird na araw na kung saan sobrang konti lang ang pasahero ng tren. Maraming bakanteng upuan kaya nakaupo kaming dalawa. Sa kabila sya at sa kabila naman ako kaya magkaharap kami. Sa di ko malamang dahilan,naiilang akong tumingin sakanya at feeling ko ganun din sya. Walang umiimik samin. Gusto kong magsalita pero di ko naman alam ang sasabihin ko..
Ayoko ng ganitong tahimik na halos tren lang ang maingay. Di ako sanay. Bahala na nga. Kahit ano na lang. Eh kung tanungin ko kaya ang pangalan nya??
"Aahmm.."
AWKWARD ...
Sabay kasi kami eh.
"Sige ikaw na."
"Ok."
Pakshet! Sya talaga nagpa una. Ang gentleman nya talaga -,-
"Pwede ba makuha number mo?"
"Eh? Number agad? Di mo pa nga alam pangalan ko eh."
"Oo nga pala. I'm Lance. *Smile* And you?"
"Geil *Smile* "
"It's nice to always meet you,Geil."
Tapos inoffer nya yung kamay nya for a shakehands. Kaso...
"Teka. Di kita abot. Dito ka kaya."
"Ay hehe! Sorry."
Tapos lumipat sya ng upuan at tumabi sakin. Saka kami ng shakehands. Ang lamig ng kamay nya? Medyo weird sya ngayon ha. Honestly,ibang feeling yung nararamdaman ko ngayon. Yung parang ngayon ko pa lang sya nakita at nakilala. Parang nagsisgmula kami ulet. Ay meganun?? Ano itech?!?!
"Pwede ko na bang kuhain yung number mo?"
I smile and nod :)
Di nag tagal,aaminin ko nagkakamabutihan na kami. At may kaunting feelings na rin ako sakanya. Alam kong medyo mabilis. Pero sa araw araw ko ba namang nakikita ang napaka pogi nyang mukha,sino bang di mai-inlove?! Wahihihihi!!! Intindihin nyo lang ako pleaaaaaaath!!! Habang nagaantay kaming dalawa ng tren. Dumaan yung tren dun sa kabilang riles at putek ang ingay!!! Sakit sa tenga!!!
*TSUG! TSUG!
TSUUUUUUG!!!!*
Tinakpan ko ang tenga ko. Pero tinanggal nya yung kamay ko at sinalpak nya yung isa headset nya sa kaliwang tenga ko.
"Naririnig ko pa rin."
"Edi ganito."
Lumapit sya sakin at inakbayan ako pero itinakip nya yung kamay nya sa kanang tenga ko. Ang bango nya telege~~~ Emegerd kenekeleg eke!!! Thupeeeer!!! Imbis tuloy na tsug tsug ang narinig ko ay iba. Kundi DUG DUG DUG DUG DUG!!!
Bigla syang nagsalita.
"Ano ba tayo?"
"Ha?"
"I mean,yung relasyon natin. Tayo na ba?"
Tinanggal ko yung braso nya sa balikat ko at tumingin ako sakanya ng diretso.
"Wag ka ngang feeler! MU lang tayo na." sabay kindat sakanya.
"MU? ok." ngumiti naman sya.
Ginulo nya ang buhok ko tapos inakbayan ulit ako. Sa ngayon kasi di ko pa masasabing kami. Hayaan mo na muna. Magpapa go with the flow na lang ako. Bahala na si God :)))