The Book I Think I Love

33 7 1
                                    


*Ringggg Ringgggg*

"Good morning Ara. "

"Good morning po Nurse Chii. "

...

Nasa harapan ako ng gate ng school namin at nagdadalawang isip.
Papasok pa ba ako o hindi?

2nd day ko sa school?  Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Pumunta ako duon para mag-aral.
Ngunit gusto ko ring malaman ang nangyari sa aking nakaraan.
Ano ba ang dahilan ng ganito at ganyan.
Pero paano kung wala akong mga kaibigan. At hindi ako gusto ng mga taong nasa paligid ko? 

"Papasok ako, kahit anong mangyari. "
Bulong ko sa sarili ko.

...

Ganon parin, habang naglalakad ako patungo sa classroom ko, iniiwasan ako ng mga tao.  Nagbubulungan at parang natatakot sa akin.  Ngayong umaga, wala ni isang pumansin sa akin.

-Lunch-

Pumunta ako sa Cafeteria para kumain ng lunch. Mag-isa akong naglalakad at pumipila. Nung nakita nila na naka linya ako katulad nila, lahat sila ay nag alisan sa linya.

Ayaw talaga nila akong makasama, kahit sa pag linya sa cafeteria.

Okay, Hindi ko na kailangang magsayang ng oras sa pag linya. Parang mala-Donya lang? 

Pagkatapos kong kumuha ng pagkain.  Lahat sila ay bumalik sa linya. 

Ako naman, humahanap ng bakanteng upuan kung saan ako kakain.

"Hora, come sit with us. " sabi ni Dreia sa akin. 

"Wag kang magdilang anghel, baka kunin ka ni Lord. " sinabi ni Shane kay Dreia.  "Excuse me,  I think you're lost. You don't belong here. " dagdag niya.

"Joke lang Hora,  look at us...  Look at you...  Di ba hindi common?  Kaya shooo! " sabi ni Dreia sa akin na pa plastic pa.

Alam ko namang hindi sila mababait para paupuin nila ako sa tabi nila.

Kakain nalang ako sa bench sa labas ng cafeteria.

...

Pumunta ako sa library dahil alam kong walang tao duon.  Syempre,  merong librarian.

Sa aking palagay, mahilig akong magbasa ng libro.  Dito sa library, parang ang gaan ng aking pakiramdam.

"A Tale of Two Cities?" 
Pinili ko ito dahil malakas ang aking pakiramdam na isa ito
Sa sasagot sa aking mga katanungan. Feeling ko kase na nabasa ko na ito dati.

Habang binubuklat ko ang librong ito,  may naka ipit na papel,  12 58 Davina Village,  Lagao.




FaultsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon