He's the Janitor

31 8 4
                                    

(Lunes)

Lunes nanaman, hahanapin ko na kung sino man yan si Michael.

Maaga akong nakararing sa school kaya wala pa masyadong tao.

Naglibut-libot muna ako sa school nagbabasakaling may maalala ako.

Habang naglilibot ako sa Covered court ... May nakita akong lalakeng nagbaba basketball.

Sino siya?  Mag-isa lang siya dito?

Huminto siya sa paglalaro at tumingin sa akin.

Napansin niya ata ako.

"Pasensya na. Aalis na ako. "

"Wag! " sigaw niya sa akin.

Ano bang nasa isip niya?  Ako sinabihan niyang wag umalis?

"Ikaw ba si Hora? "

"Oo. "

"Pwede ka ng umalis. "

Umalis na ako dahil sabi niya.  At wala rin akong balak makipag-usap sa kanya.

Bumalik na ako sa room namin.  May mga estudyante ng dumating.

"Wow,   ang aga mo naman Moron este Hora. Anong okasyon? " masungit na tanong sa akin ni Shane. "Late ka kase... Umm always diba? "

"At dahil maaga ka,  konti nalang an g time namin na maging comfortable." sabi ni Dreia.

Tumahimik nalang ako at yumuko papunta sa aking seat. 

Tahimik akong nagbabasa ng libro. Wala naman akong makausap eh, maliban kay...

"Hora"

Si Rhen...

"Good morning. "

Tamang tama nandito siya.

"Rhen,  may kilala ka bang Michael dito sa school? "

"Ahh.  Bakit?" nagtatakang tanong...  Pero nasa mukha niya na parang alam njya ang dahilan.  "Binasa mo ba ang diary ni Alona? " pabulong niyang sinabi.

"Ha! " nagulat ako sa tanong niya. Paano niya nalaman.

"Dala dala mo kase yun nung Biyernes ng hapon. "

At sinagot niya nanaman...  Wala pa naman akong tinatanong sa kanya ah.

"Kilala ko si Michael. Pero hindi siya dito sa school matatagpuan "

"Saan?! "

"Actually  sa school parin natin pero hindi nga lang siya nag-aaral. "

"Saan nga" atat akong malaman kung saan. 

"Janitor siya, dun sa covered court siya naglilinis. "

Janitor?!  Na-inlove si Alona sa isang janitor...?!

Amazing naman ito si Alona Silao,  valedictorian nung elementary at 1st honor... Pero nagkagusto sa isang janitor.

Balak ko pa sanang magtanong kay Rhen pero bigla siyang nawala sa harapan ko.

Busy siya sa pag-aaral. 

...

Naalala ko yung nakita kong lalake sa covered court. Mukha siyang istudyante pero hindi siya naka uniform.

Bigla kong nakita ang isang janitress na naglilinis sa labas ng room namin.

Oo!  Ganyan rin ang suot niya.

Huh?!  Si Michael ang nakausap ko kaninang umaga sa covered court.


Bakit niya kaya tinanong ang pangalan ko?


FaultsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon