Mysterious Diary

36 7 2
                                    

Pumunta ako sa address na nakasulat sa maliit na papel.

...

Isang lumang bahay at parang wala nang nakatira dito. Pumasok ako at hindi ko na inisip ang maaring mangyari sa akin kapag may nakakita sa akin.

Papasok pa lamang ako sa pintuan,  may nararamdaman akong hindi ko maipaliwanag. Dumiretso ako sa isang kwarto. Walang ibang gamit dito maliban sa mesa at isang librong nakapatong. Nilapitan ko ito at kinuha ko ang libro.  "Diary? " bigla kong nabitawan ang libro at nahulog ito sa sahig.  Nakabuklat ito at may mga nakasulat "Alam ni Hora ang lahat, kahit anong mangyari wala siyang kasalanan... dahil matalik ko siyang kaibigan "

Napa-isip at natulala sa nakasulat. 
Isang babaeng pinatay sa bahay na itoWalang awang binaril. Nasa harapan ko siya pero wala akong magawa. Nakatingin lang ako sa kanya at nakatingin rin siya sa akin "

Bigla akong tumakbo palabas ng bahay.  Bakit yun pumasok sa isip ko? 
Malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman ito sa akin.

...

Madilim na, kailangan ko ng umuwi sa amin.

Sumakay na ako ng bus papuntang hospital.



"Ara madilim na, bakit ngayon ka lang? " mahinahong tanong ni Nurse Chii.

"Nurse Chii, Ano po ba ang pangalan ko? " tanong ko sa kanya.  Umaasa akong hindi Ara ang sagot niya.

*nagtataka*
"Ara lang naman ang pangalan mo."
Sagot niya.

"Pero bakit po Hora ang tawag nila sa akin sa school? "

"Ara,  dahil Ara ang apilyedo mo.  Hora naman ang first name mo."
Sagot niya.  "Hahahahaha"

Hora Ara?  Akala ko merong misteryong nakatago kung bakit Ara ako dito at Hora ako sa school. Simple lang naman pala ang sagot.

Sarili kong pangalan, ngayon ko lang nalaman. 

"Ahh, Salamat Nurse Chii... Nagtaka lang po ako... Good night po"
Sabi ko sa kanya.

Sabay takbo sa aking kwarto.

"Hay nako ang batang ito,  bat di ko napansin na nagpapalusot lang si Ara? "  sabi ni Nurse Chii.

Akala niya siguro nag papalusot lang ako para hindi masagot ang tanong niya kung bakit late na ako nakauwi.

Seryoso naman ang tanong ko sa kanya kanina.

...

Hindi ako makatulog kakaisip sa diary na nakita ko kanina. 
Ako si Hora Ara, ako ba ang tinutukoy sa diary?
Anong alam ko tungkol sa may ari non?
Bakit ko naisip ang isang babaeng pinatay sa harapan ko?

FaultsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon