Hallucinating

36 7 2
                                    

Malakas ang kutob ko na si Alona ang may-ari ng diary.

Kailangan kong balikan ang diary, baka makatulong ito upang bumalik ang aking mga ala-ala.


...



Nasa harapan ako ng lumang bahay.

Natatakot ako...  ayoko nang maalala ang nakita ko dito sa bahay na ito. Ngunit kailangan kong makuha ang diary ni Alona.

Pumasok na ako sa bahay at hindi ko iniisip ang takot. Agad akong pumunta sa kwarto kung saan nakita ko ang diary.

Hindi pa ako nakakapasok sa kwarto, may nakikita akong mga dugong nakakalat sa loob. 

Parang ayaw ko ng tumuloy pero nakikita ko na rin ang diary sa sahig. 

De bale na...

Pagpasok ko sa kwarto, nawala ang mga dugong nakakalat. Imahinasyon ko nanaman yon?

Dali-dali kong kinuha ang diary at tumakbo palabas.

"Ahhhh, ang sakit!!!"  nadapa ako, dahil sa kahoy na naka harang sa pintuan.

"Hora, okay ka lang ba?" 

Isang babaeng nakangiti sa akin, duguan ang mukha ang nagtanong sakin, inalok niya ang kanyang kamay.

Si Alonaaa...

Sa sobrang takot ko...

"AAAAAHHHH!!!" 

"Hora, anong nangyari sayo?" tanong ni Rhen sa akin.

Si Rhen? bakit ko napagkamalang si Alona siya? Imahinasyon ko nanaman.  Pero, kitang-kita ko... parang totoo

"Hora, ano ba? Tumayo ka nga diyan." sabi Rhen.

"Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?" 

"Hindi, malapit lang kase bahay namin dito. Atsaka, bakit ka ba nandito? At pumasok ka pa talaga sa loob ng kwarto ni Alona?"

"Kwarto ba yun ni Alona?"

Kung kwarto niya yun... sa aking imahinasyon... siya ang pinatay, kanya ang mga dugong nakakalat, at isa pa sa ... yung tinanong niya ako kanina lang... Siya ngaa

"Uwi na tayo, madilim na siguradong papagalitan ka ng iyong mga magulang." sabi ko kay Rhen.





Umuwi na rin ako dahil siguradong nag-aalala na si Nurse Chii sa akin.

...



Alona... 

Ano ka ba sa buhay ko?

Bakit parati kang nasa isip ko?



Bakit ka pinatay?







FaultsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon