Chapter One

3.7K 59 1
                                    

Chapter One

Kinabit ko ang earphones ko sa aking tenga matapos kong pumili ng kanta sa aking cellphone.

Naglalakad ako sa gilid ng kalsada. Sa ilalim ng init ng araw, suot ang aking paboritong ball cap na kulay pula. Yumuko ako habang pinapakinggan ang marahang tunog ng musika sa aking tenga. Habang naglalakad ay tinitigan ko ang bago kong sapatos na padala pa sa akin ni papa galing South Korea. Doon kasi s'ya nagtatrabaho bilang factory worker, mas malaki daw kasi ang bayad.

"Take me to your heart, show me where to start. Let me play the part of your first love..."

Sinabayan ko ang kanta. Sabi ng mga kaibigan ko, ang baduy daw ng mga pinapakinggan kong kanta. Kesyo, makaluma daw at hindi na uso pero para sa akin maganda at masarap pakinggan.

"All the stars are bright, every wish is ours tonight, my love..."

Pumikit ako at huminto sa paglalakad. Ang init na masyado, kailangan ko ng sumilong.

Dumilat ako nang may marinig akong tunog ng jeep. Lumingon ako doon at tinanaw ang paparating na jeep.

Tila bumagal ang oras. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyari. Basta nang makita ko ang isang babaeng siguro ay ka-edaran ko lamang na nakaupo sa dulo ng jeep ay natigilan ako.

Bumagal ang tibok ng puso ko lalo na ng magtama ang paningin naming dalawa. Ang singkit na bilugang mga mata n'ya ay napaka-ganda, ang kanyang maliit na ilong ay bumagay sa makurba at mapulang labi n'ya... Maputi rin s'ya at may kulay tsokolateng buhok.

Saglit lang iyon pero hindi ko s'ya makalimutan. Tandang tanda ko iyong mukha n'ya na kahit isang taon na ang lumipas. Gusto ko pa rin s'ya.

"Sa Manila ka na mag-aaral, Uno. May nakuha akong pwesto doon para sa tindahang itatayo ko. Dumami kasi ang nagustuhan itong ginagawa kong wine," nakangiting sabi sa akin ni papa.

Nilingon ko si papa na ngayon ay inaayos na ang mga damit namin.

"Pero papa, paano itong bahay natin dito?" Naguguluhang tanong ko.

"Dito ko muna patitirahin si Alma. Alam mo naman iyon, mapagkakatiwalaan ko ang tiyahin mo'ng iyon."

Tumango na lamang ako kahit na hindi ako sang ayon sa gusto ni papa. Kahit pa ayokong pumunta doon dahil nagbabakasakali pa rin akong magkikita pa kami 'nong babaeng pangarap ko ay sumunod pa rin ako kay papa.

Tinanaw ko ang mga sasakyang nagsisiksikan dahil sa traffic mula sa bintana ng bus na sinasakyan namin ni papa.

"Papa, bakit po gusto n'yo dito sa Manila? Mas masarap naman ang simoy ng hangin sa Bukidnon kaysa rito."

Nilingon ako ni papa at mahinang tinapik ang ulo ko. Ngumiti s'ya sa akin.

"Anak, mas marami kasing oportunidad dito kaysa sa probinsya. Isa pa, may pangarap ako. May pangarap ako sa'yo," nakangiting sagot ni papa.

Nginitian ko na rin s'ya. Mataas ang pangarap ni papa. Hindi gaya ko na walang pangarap.

Aminado akong bulakbol sa labas ng paaralan. Palagi akong may kaaway at laging sakit sa ulo ni tita Alma pero ni minsan ay hindi ko naranasang bumaba ang grado. Ewan ko ba, pero kahit na hindi ko seryosohin ang pag aaral ay matataas pa rin ang mga grado ko. Sa klase, nakikinig ako palagi sa teachers namin pero hindi ako nagsusulat. Saulado ko lang kaagad ang mga pinagsasabi ng guro ko. Sabi ni papa, mana daw ako sa mama ko na matalino at matalas ang memorya.

"Makikita na kaya natin si mama dito sa Manila?" Tanong ko pa kay papa.

Hindi s'ya sumagot. Inaasahan ko na iyon. Sa tuwing nagtatanong ako tungkol sa mama ko ay tatahimik na lamang s'ya at hindi na sasagot. Alam kong iniiwasan n'yang pag usapan ang tungkol sa aking ina. Iniwanan n'ya kasi kami noong sanggol pa lamang ako. Hindi ko alam ang dahilan pero sa pagkakaalam ko ayon kay tita Alma ay dahil daw sa walang pangarap si papa.

Undeniable FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon