Chapter Seven

1K 33 6
                                    

Chapter Seven

Tulala ako habang naglalakad pauwi ng bahay. Ayokong mag-jeep, gusto kong maglakad para tumagal ang paglalakad ko. Gusto ko kasing mag isip isip tungkol sa sarili ko.

Sixteen years old na ako sa July pero ganito pa rin ako. Isang babaeng inakala nilang walang alam kung hindi ang makipag away... Noong elementary pa lamang ako ay madalas akong binubully. Kesyo pangit daw ako at wala raw'ng magkakagusto sa akin. Galing kasi ako ng probinsya noon, mula kinder hanggang grade 3. Maitim at may braces pa ako sa ngipin dahil naka-usli ang mga ngipin ko. Araw araw ay tampulan na ako ng pansin sa klase. Bukod kasi doon ay hindi rin diretsong tagalog ako kung magsalita, hirap pa ako 'nong magtagalog dahil bisaya ang mga taong nakagisnan ko. Hanggang sa mag-grade six ako. Doon ko nakilala si Roxy at Mikaela. Noong una ay akala ko katulad din sila ng mga kaklase ko na nambubully. Mukha kasi silang matataray at pala-away. But then, we must know that we don't judge the people by there looks.

Noong isang beses na binully ako ay ipinagtanggol ako ni Mikaela. Sobra sobra ang pasasalamat ko sa kanya 'non. Simula 'nong araw na 'yon ay isinasama na nila ako palagi. Lapitin sila ng kaaway dahil sa hindi ko malamang dahilan. Palagi silang may kaaway na hindi ko alam kung bakit dahil mababait naman sila sa akin. Tinulungan nila akong mag-ayos at kung ano ang ugali nila ay nagaya ko na rin. Kinalaunan ay nakilala namin si Madeline na sobrang tahimik. Hindi s'ya binubully pero napalapit kami sa kanya dahil sa nakakatuwang pagkakataon.

Simula 'non ay nilakasan ko na ang loob ko. Ayoko nang apihin muli. Naging matapang ako katulad nila Mikaela... pero kahit na matapang na ako, tila hindi pa rin ako kuntento. Kasi malambot pa rin ang puso ko. Malakas ako para sa iba pero sa loob ko ay nanghihina ako...

"Hey!"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Uno. Hindi ako lumingon hanggang sa hawakan n'ya ang balikat ko. "Why are you walking?"

Nilingon ko siya. "Pake mo?"

"Pwede kitang pahiramin ng pamasahe, if you want."

Umirap ako sa kanya, ano bang tingin n'ya sa akin? Walang pera? Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad. Imbes na gusto kong mapag-isa ay hindi ko magawa... Kumakalabog na naman kasi ang puso ko dahil malapit s'ya. Bakit ko nga ba kasi nararamdaman ito? Ayoko sa namumuong feelings ko para sa kanya. Sobrang ayoko.

"Bakit ba nakasimangot ka?"

Dedma.

"Ang pangit mo kapag nakasimangot ka, mukha kang tanga."

Hindi ko parin s'ya pinansin. Tumingin na lamang ako sa langit. Papalubog na ang araw. Kanina ay alas tres pa lamang pagkalabas ko ng classroom ngayon ay papalubog na ang araw... Ilang oras na ba akong naglalakad? Grabe naman!

"Na-realize mo na ba na sobrang bagal mong maglakad?"

Tumigil ako sa paglalakad. Nilingon ko s'ya at sinamaan s'ya nang tingin. "Ano bang problema mo? Bakit sinusundan mo 'ko?"

Nagkibit balikat s'ya at lumapit sa akin 'tsaka ako inakbayan. Mas bumilis pa tuloy ang pagtibok ng puso ko.

"Ang sarap mo kasing asarin eh, sino bang iniisip mo? 'Yong nerd kanina?"

Hindi ako nagsalita. Actually, hindi naman talaga iyong nerd na 'yon ang iniisip ko. Pero dahil sa kanya kaya ako nagkaganito.

"Huwag mo ng isipin 'yon, ako na lang isipin mo."

Nanlaki ang mga mata ko at tila nanginig ang kalamnan ko sa sinabi n'ya. Dali dali kong inalis ang braso n'ya sa balikat ko.

"Diring diri ka, ah! Ang gwapo ko kaya!"

Undeniable FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon