Chapter Twenty Seven.

1K 25 3
                                    

Chapter Twenty Seven.

"Mahal ko, sino ba kasi 'yong bwiset na ex ko na nang-away sa'yo? Sabihin mo sa'kin at nang masampal ko kaliwa't kanan--no hindi, baka kasuhan ako non. Pagsasabihan ko, mahal ko naman..." hinakilit n'ya ang braso ko at hinila ako paharap sa kanya.

Nakasimangot ko parin s'yang tiningnan habang s'ya ay parang iiyak na sa mga nangyayari.

"Ewan ko sa'yo! Napakababaero mo kasi, hindi na ako magtataka kung lolokohin mo rin ako!" sigaw ko sa kanya at sinubukang hilahin pabalik ang braso ko pero bumalik lang din ako sa kanya nang hilahin n'ya rin ako pabalik.

"Mahal naman, hindi kita lolokohin. Ang pag ibig ko sa'yo ay parang jejemon, ikaw lang sapat na!"

Parang gusto kong matawa sa sinabi n'ya. Nakakadiri kasi, ang corny pero aaminin kong nakakakilig. Parang biglang tumakas lahat ng galit ko sa kanya. Taksil talaga pati ang puso ko, ngayon paano na ito? Nawala na ang galit ko sa kanya. Kanina lang ay nag-uumapaw ito at halos gusto ko na nga s'yang pagsasapakin pero nawalang parang bula ang lahat.

"Mahal naman, mahal na mahal kita kaya hinding hindi kita lolokohin."

Hinalik halikan n'ya ako sa labi. Ilang beses n'yang pinatakan ng halik ang labi ko na talaga namang nakakakilig hanggang sa natawa na lamang ako. Ngumiti na rin s'ya sa wakas at tumigil sa pag-halik sa akin.

"Para kang manok, tuka ng tuka."

He smiled at me then hugged me from behind.

"Ayoko kasi na galit ka sa akin. Hindi ako makakatulog mamayang gabi pag umuwi akong galit ka sa akin."

Lumingon ako sa bintana at napansin ang papalubog na araw. Wala na ring estudyanteng lumalabas mula sa gate ng school. Kung meron man ay kaunti na lamang.

"Umuwi na tayo, Uno. Pagabi na, oh."

Lumingon rin s'ya sa labas at saka tumango at humiwalay na sa pagkakayakap sa akin. Ini-start na n'ya ang makina at magsisimula na sanang magmaneho ngunit nagulat ako nang hawakan n'ya ang kamay ko. Pinisil n'ya iyon ng mariin, nilingon ko s'ya pero hindi n'ya ako nilingon. Nakangiti lamang s'yang nakatingin sa daan habang sinimulan na ang pagmamaneho.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala s'ya. Hindi parin talaga ako makapaniwala na nangyayari ito sa aming dalawa. Ang lahat ay parang isang panaginip na hindi ko inakalang mangyayari. Kung panaginip nga ito, sana hindi na lang ako magising. Sana dito na lang kaming dalawa, sa buhay na masayang masaya kami at wala ng hahadlang pa.

Nasa kalagitnaan kami ng traffic nang may saktong tumawag kay Uno. Kumunot ang noo n'ya nang makita kung sino ang caller. Sumulyap rin ako sa phone n'ya, maski ako ay nangunot ang noo nang makita ang pangalan ng caller. Sinagot n'ya iyon matapos n'yang i-connect sa bluetooth at ilagay sa kanyang tenga ang earphones n'ya.

"Hello, kumusta?"

Lalong nangunot ang noo ko nang nakangiti si Uno nang sagutin n'ya iyon.

"Ha? Pero ano kasi..."

Nakagat ko ang labi ko at hindi ko na lamang s'ya pinansin. Itinuon ko ang tingin ko sa daanan dahil umusad na ang mga sasakyan.

"Kylie, kasi..."

Nakita ko mula sa gilid ng mga mata ko ang pag-sulyap n'ya sa akin. Kylie... Who's that fucking Kylie?!

"Mag usap tayo mamaya, ha?"

Pinatay n'ya na iyong tawag. Pinisil n'ya ang kamay ko.

"Si Kylie, kaibigan ko sa Bukidnon. May tinatanong lang."

Undeniable FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon