Chapter Six
"Alis na po ako, lola."
Nanliliit ang mga mata ni lola habang tinitingnan akong inaayos ang sapatos ko. Alam ko na nagdududa s'ya dahil sa paraan pa lamang ng pagtitig n'ya sa akin.
"Nagpuyat ka ba kagabi, Jamila?"
Pagod na nilingon ko si lola at saka tumango. Pagkatapos 'non ay tinalikuran ko na s'ya at dire-diretsong lumabas ng bahay. Ayoko ng gisahin pa ako ni lola. Totoong puyat ako kagabi. Imbes na makatulog ako ng maaga dahil lasing ako ay hindi iyon nangyari. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi, basta ang alam ko lang ay hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip kay Uno. Bakit sa dinami rami ng lalaki ay kay Uno ko pa talaga iyon naramdaman ulit? Napakaimposible ng nararamdaman kong ito.
Pagkalabas ko ng gate ay halos lumabas na ang puso ko sa gulat dahil nakatayo sa tapat ng gate namin si Uno. Ito na naman tuloy ang puso ko, panay ang kalabog.
Hindi ko s'ya pinansin. Iniwasan ko s'ya at naglakad ng dire-diretso. As if I did not see him but the truth is grabe na ang paglagabog ng dibdib ko.
Hinawakan n'ya ang braso ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy mula sa kamay n'ya papunta sa braso ko.
"Hey."
Pumikit ako nang mariin at bumuga ng malalim na hininga bago ko s'ya nilingon.
Nginitian ko s'ya ng matamis at hinila pabalik ang braso ko. "Good morning!"
Bahagyang umawang ang labi n'ya sa sinabi ko. Hindi yata n'ya inaasahan na babatiin ko s'ya ng ganoon. Maya maya ay bigla s'yang natawa. Mahina lamang iyon pero parang musika iyon sa tenga ko. Nakakainis naman, I'm having a crush on him.
"Iniwasan mo 'ko kanina tapos bigla mo akong binati. You're crazy."
Umirap ako at tinalikuran na s'yang muli. Sumasakit na nga ang ulo ko dahil sa kanya pagkatapos ay pasasakitin n'ya lang ulit! Nakaka-imbyerna.
"Hey, wait!"
Pinigilan n'ya ulit ako sa paglalakad. Talaga naman, oh. Hinila ko ulit pabalik ang braso kong hawak n'ya at nagdire-diretso sa paglalakad. Akala ko ay ayos na pero halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko ng pabagsak n'ya akong inakbayan.
"A-aray!"
Inipit n'ya ang leeg ko gamit ang braso n'ya. Halos hindi ako makahinga sa ginawa n'ya. Nang mapa-ubo na ako ay doon lang yata n'ya na-realize na mali ang ginagawa n'ya.
"Shit, sorry!"
Patuloy akong umubo. Hinaplos n'ya ang likod ko pero hindi ko hinayaan iyon. Tumayo agad ako at sinamaan s'ya ng tingin.
"Papatayin mo ba ako?!" bulyaw ko sa kanya.
Nag angat s'ya ng kamay at akmang hahawakan ako pero iniwas ko ang sarili ko sa kanya.
"Sorry, ano kasi-"
"Layuan mo na lang ako, pwede?"
Napaawang ang labi n'ya sa sinabi ko. Hindi ko rin naman inaasahan ang sinabi ko pero tama lang siguro iyon para hindi na mas lumalim pa ang pagkagusto ko sa kanya. Inirapan ko s'ya at naglakad na palayo sa kanya. Sinabi kong layuan n'ya ako pero 'nong hindi n'ya ako sinuyo, mas lalo akong nainis sa kanya. Nakaka-imbyerna talaga s'ya.
"Bakit ganyan itsura mo?" nagtatakang tanong sa akin ni Madeline pagkapasok ko sa classroom.
"Masakit kasi ang ulo ko."
Iiling iling na umayos s'ya nang upo.
"Iyan na nga ba kasi ang sinasabi ko. Dapat fridays lang kayo umiinom, alam n'yo naman kasing may pasok kinabukasan. Sigurado ako na hindi na naman papasok si Shivan."
BINABASA MO ANG
Undeniable Feelings
General Fiction"Opposite do attracts ika nga. Pero maniniwala ka ba kung ang magkaparehas ay ma-attract sa isa't isa?"