Chapter Fifteen.

944 30 35
                                    

Chapter Fifteen.

Tulala.

Tulala akong nakahawak sa malamig na kamay ni lola. Nakaupo sa malamig na sahig ng kwarto n'ya. Naubos na ang luha ko kakaiyak. Ni hindi ko s'ya magawang iwan dahil umaasa parin ako na bigla s'yang gigising at aasarin na naman ako. Hindi pa nga ako tatayo kung walang nag-doorbell sa gate.

Wala sa sariling tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto ni lola. Para akong lumulutang. Iyong pakiramdam na gumagalaw ako pero hindi ko sarili ang nagpapagalaw sa akin.

Pagkabukas ko ng pinto ay naaninag ko kaagad si Uno na nakatayo sa harap ng gate. Nakangiti s'ya ngunit ng makita ako ay agad iyong napawi.

Nakayapak akong umapak sa maiiksing damo na nasa harap ng bahay namin. Na ang lola ko pa ang nagtatabas tuwing umaga. Mas gusto n'ya raw kasing ganito ang bahay, naaamoy n'ya ang sariwang amoy ng damo sa tuwing lalabas s'ya.

"A-anong nangyari sa'yo?" Nag aalalang tanong ni Uno pagkabukas ko ng gate.

Tinitigan ko s'ya sa mga mata. Ang nag aalalang mga mata n'ya ay nagpangilid sa nagbabadyang luha ko na naman.

"H-hey, what's wrong?"

Napayuko ako. Hindi na napigilan ang paghagulgol. Niyakap n'ya ako kahit na hindi n'ya pa rin alam kung anong nangyari.

"Jamila, sabihin mo sa'kin kung anong problema?"

Bahagya ko s'yang itinulak palayo sa akin para tingnan s'ya sa mga mata. Humihikbi pa ako habang hawak ng mahigpit ang t-shirt n'ya.

"T-tumawag k-ka ng a-ambulansya... S-si l-lola k-kasi..."

Hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko. Pero kahit hindi ko na iyon naituloy ay nagmamadali na akong binitawan ni Uno at tumakbo papasok sa bahay. Ako naman ay panay parin ang hagulgol. Hindi ko na kayang maglakad pa. Napa-upo na lamang ako sa sahig habang panay ang paghagulgol.

Ibinurol si lola sa bahay. Ilang beses kong tinawagan sila mama sa sumunod na dalawang araw at sa pangatlong araw pa lang nila ako sinagot.

"Mama... namatay na po si lola, umuwi po kayo dito," may pagsusumamo sa sinabi kong iyon.

Narinig ko ang malakas na paghagulgol ni mama sa kabilang linya. Panay ang iyak n'ya dahil nanay n'ya si Lola Ana. Hindi ko s'ya makausap ng maayos kung kaya't ibinigay n'ya ang telepono kay papa.

"Anak, hindi kami pinapauwi ng amo namin..."

Naiyak na naman ako. Wala akong kasama sa bahay maski si kuya ay nasa barko pa. Hindi rin makauwi.

"Pero papa, paano ako dito? Mag-isa lang ako?!" Naiinis ng sigaw ko.

"Anak, pipilitin parin namin na makauwi, ha? Huwag kang mag alala anak, gagawa kami ng paraan..."

Buong burol ni lola ay ako lang ang kasama n'ya. Ako lang ang nagluluksa. Kung wala akong mga kaibigan, siguro ay walang dadamay sa sakit na nararamdaman ko dahil sa pagkawala ng lola ko. Nang ilibing si lola ay ako lang din kasama ang iilang tita at pinsan ko.

"Ano bang sabi sa iyo ni Anastasia? Bakit hindi sila umuwi? Nakakainis naman iyan!" Naiinis na sabi ni tita Rema, kapatid ni Anastasia.

"Ayaw daw po silang payagan ng amo nila na umuwi..." malungkot na sagot ko.

Hinawakan ni tito Lucas ang balikat ko.

"Mahigpit kasi ang amo nila doon, kaya intindihin mo na muna anak ha?"

Tumango tango lang ako. Pilit ko iyong inintindi. Araw araw silang tumatawag sa akin at humihingi ng tawad dahil sa hindi nila pag-uwi sa burol ni lola. Si kuya ay hindi ko na matawagan pa kahit ilang beses kong subukan.

Undeniable FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon