Chap. 6 - Exciting

271 5 0
                                    

Hazel's POV

Guess who kung sino makakasama namin? Sino pa edi 'yung mga mokong na 'yun. Ugh! Ang sarap nilang kutusan bwisit.

''Anak, may problema ka ba?'' Mom

''B-Bakit n'yo naman po natanong?'' Ako

''Kasi tignan mo 'yang pagkain mo oh, durog-durog na, kung buhay lang 'yan baka kanina ka pa n'yan ginantihan.'' Mom. Napatingin naman ako sa pagkain ko at oo nga halos magmukhang langgam sa sobrang gigil ko.

''A-Ah e-eh, w-wala po 'to. May iniisip lang po ako na 'SOBRANG NAKAKAINIS'. ''talagang diniinan ko 'yung salitang 'sobrang nakakainis' nung sumagot ako kay Mom.

Nandito nga pala kami ngayon sa garden kumakain ng meryenda kasama 'yung mga hampas-lupa. Bwisit! Gustong-gusto ko nang umalis pero ayaw pa ni Mom na umalis ako. Kesyo daw nakakahiya sa mga bisita, ganito ganyan. Bwisit!! Ako? Mahihiya sa kanila? Dapat nga sila ang mahiya eh. Hiya hiya, hiya their face. Bwisit talaga!! Tutal wala din naman akong magagawa kumain na lang ako habang nakikinig sa mga pinag-uusapan nilang walang kwenta.

''So boys, nakausap n'yo na ba 'yung parents n'yo kung kelan ang date ng paglipat n'yo?'' tanong ni Mom. sa mga KL na'to.

''Ahm, sabi ko po sa parents ko sa weekends lilipat na kami ng bahay para makapag-ayos po kami.'' sagot nung babaerong Terrence na'to at ngumiti pa talaga nang nakakaasar huh, sungalngalin ko to ng tinidor eh para mamatay na.

''Eh, kayo anak, kelan n'yo balak lumipat ng bahay?'' Mom

''Actually Mom 'di ko pa po alam kung alam na ng barkada 'yung tungkol dito.'' nag-aalinlangan kong sagot kay Mom.

''Huh? Eh ang alam ko sinabi na sa kanila ng mga magulang nila eh.'' Mom

''I'll ask them, just wait Mom, ok?'' tumango lang sila at tumayo na ko, ''Excuse me.'' si GD muna ang tinawagan ko, nagbabakasakaling magkakasama sila.

*Kriiiiiiing Kriiiiiiing Kriiiiiiing*

Nakaka-tatlong ring na nang sinagot n'ya 'yung tawag ko.

-----

GD's POV

Nagtatawanan kaming apat dito nang biglang tumawag si Hazel kaya naman dali dali kong sinagot 'yung phone at ni-loud speaker, baka kasi mamaya 'yung tungkol na 'yun sa sinabi ng Mom n'ya eh.

[Hello.]

''Hello sis, ano balita?''

[Nakakaasar sis.] halatang iritado 'yung boses n'ya.

''Bakit naman, masama ba 'yung balita ng Mom mo?''

[Wait lang, bago ko sagutin 'yang tanong mo ako muna 'yung sagutin mo ok?]

''Ok.''

[Nand'yan ba 'yung barkada?]

''Uh-huh.''

[I-loud speaker mo bilis.]

''Naka-loud speaker na.''

[Ok. 'Yung tungkol sa balita, isang napakasamang balita. Ano ba ang sinabi sa inyo nila tita?] bigla n'yang tanong.

''Uhm, 'yung tungkol sa paglipat ng bahay, bakit may problema ba 'dun?'' tanong ko kasi parang ang ewan ng boses.

['Yun 'yung sinabi sa'kin ni Mom about dun at tinatanong n'ya kung kelan daw tayo lilipat?]

Clash of the Campus Gangsters [on going series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon