GD's POV
Nandito ako ngayon sa bahay, to be specific sa kwarto ko. Nagmununi-muni tungkol sa naabutan naming pangyayari kanina.
Flashback
Pagkasabi sa'min ni Manang kung nasaan si Hazel, kumaripas na agad kami nang takbo papunta sa tinuro ni Manang, at iyon ay sa garden.
Habang palapit kami sa garden, meron kaming naririnig na mumunting hagikgik, at kung hindi ako nagkakamali si Hazel 'yung babae.
Sumilip kami upang maaninag 'yung mga kasama n'ya.
"Oh my gee." Pabulong na sabi ni Ricamel.
"Why is she with them?" React naman ni Vhea.
"And laughing with them?" Dugtong pa ni Ricamel habang nakatakip pa ang isang kamay sa kanyang bibig.
Ako? Dumiretso na agad sa kotse. Ni hindi ko na nga sila nilingon eh, pero ramdam ko ang pagsunod nila sa akin.
Pagkasakay namin sa kotse umalis na agad kami at ako ang una nilang inihatid. Himala nga kasi hindi na sila nagtanong eh, pero mabuti na rin 'yon na hindi sila nagtanong kasi wala ako sa mood.
"Sis, nandito na tayo." Narinig kong sabi ni Rics. Binuksan ko na ang pinto at bago pa man ako lumabas nang tuluyan ay nagpasalamat na ako.
"I can't believe on what's happening?" Mga salitang huli kong nasambit bago pumasok sa bahay.
End of Flashback
(Phone Rings)
"Ay kalabaw na mukhang kabayo!" Grabe namang cellphone 'to kung manggulat parang walang bukas. Biset. ( ̄ー ̄)
Pagtingin ko sa caller ID bigla akong kinabahan. Eh pano ba naman si Hazel 'yung tumatawag, baka mamaya sinabi sa kanya ni Manang na nagpunta kami don.
'Sasagutin ko ba o hindi?' Tanong na naglalaro sa isip ko, pero in the end sinagot ko din baka kasi lalo s'yang maghinala eh.
"Hello sis, napatawag ka?" Bungad ko nang medyo pormal. Tinapon ko muna 'yung kaba s'yempre, baka makahalata eh.
[Ah, oo, kasi nag-aalala ako eh.] Napakunot naman daw ako ng noo sa sinabi n'ya.
"Huh? Bakit naman?" Tanong ko sa sobrang pagtataka.
[Kasi simula nung naghiwalay tayo kanina ng barkada, hindi kayo nagparamdam sa'kin. Sinubukan kitang tawagan pero wala, nagtext ako pero 'di ka naman nagre-reply.] Hehe. Patay nga pala 'yung phone kanina 'yung sa text naman tinamad akong mag-reply. 'Di ko naman akalain na sobrang nag-aalala s'ya sa'min.
"Sorry sis, nakapatay nga pala 'yung phone ko kanina tapos 'yung sa text naman tinamad akong mag-reply. Sorry talaga sis, sorry kung pinag-alala ka namin, sorry talaga sis patawarin mo ka--" 'Di ko na natapos 'yung sasabihin ko dahil sa bigla nya'ng pagputol nito.
[Ano ka ba okay lang 'yun noh? You've already forgiven. Forget about the past, okay? Because past is past, huh?] Thanks God, she's so kindhearted.
"Okay, I will." I answered.
[By the way, nasabi sa'kin ni Manang na galing kayo dito sa bahay, 'di man lang kayo nagpakita sa'kin.] Oh sheez, ito na nga ba ang ikinakatakot ko kanina eh.
"A-ah, a-ano kasi kanina biglang nagkaron ng emergency, pero naayos din naman agad kaya okay na." Ang hirap magsinungaling sa kaibigan mo. Grabe.
[You sure?] Paninigurado n'ya pa.
"Yep, very sure!" Masigla kong sagot para naman hindi n'ya mahalatang nagsisinungaling ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/11919617-288-k410059.jpg)
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Gangsters [on going series]
Teen FictionLove or War? I love you or I hate you? Ano kaya ang magiging resulta ng pagtatagpo nila? Magkakaroon kaya ng love o forever war na lang sila? Let's find it out! ------ Story written by FallForYou128 (Avril)