Chap. 3 - Informations About The Boys

496 10 0
                                    

Ricamel's POV

Lunch break na at nandito kami sa likod ng school kung saan walang mga estudyante na nagpupunta. Mas gusto kasi naming ang peaceful na lugar; yung walang ingay at walang maraming tao.

Kasalukuyan kaming nakaupo at nagke-kwentuhan about random things na hindi namin malaman kung saan nanggagaling. Basta tawa lang kami ng tawa

Natahimik kami sa pagtawa ng biglang magsalita si GD.

"Guys kailangan na talaga natin silang makilala or should I say, kailangan na nating makahanap ng informations about them?" 'Yan ang kanyang binitawan na mga salita.

"Huh? Anong informations naman ang pinagsasabi mo?" Tanong ko. 'Di ko s'ya maintindihan.

"Ay! Slow na ulyanin pa." Pabulong na sabi ni Sharmaine. Pero dahil katabi ko lang s'ya, narinig ko ang sinabi n'ya.

"Try mo tungkol sa'tin! S'yempre tungkol sa mga ungas na lalaking nan-trip sa'tin!" Sabi ng aming ever mapambarang kaibigan.

"Sorry naman. Ang hard n'yo naman kasi sa'kin eh." Pagpapaliwanag ko. "Pero paano tayo makakakuha ng impormasyon?" Dugtong ko pa.

"Hmm. Alam ko na!" Biglang sigaw ni Hazel.

"PAANO?!" Sabay-sabay naming sigaw na naging dahilan para mairita ang aming masungit na kaibigan.

"Aray! Kailangan ba talaga sabay-sabay kayong sumigaw? Sisirain n'yo eardrums ko eh." Iritado n'yang tanong habang nakakunot ang noo.

"We're sorry. So, paano  na nga?"

"Well gan—"

*Bell rang*

Alam n'yo naman na siguro kung bakit. Dahil sa lintik na bell, hindi na n'ya natuloy 'yung sasabihin n'ya.

Nakakaasar naman! Sasabihin na n'ya eh. Tumayo na kami sa kinauupuan naming at tinungo ang daan papunta sa aming classroom.

*****

Inside the classroom

Pagpasok  namin sa classroom biglang nagsitahimik 'yung mga classmates namin na kanina eh maiingay at nagkakagulo. Okay? What's going on?

"Steven, bro, nandito nap ala 'yung mga chics nating classmates eh!" Sabi nung chicboy na kung tama ako ng pagkakarinig Terrence ang pangalan n'ya.

Clash of the Campus Gangsters [on going series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon