UNEDITED***
Buong gabi siya umiyak dahil sa nakita niyang mga larawan at sa article tungkol kina Scarlet at Zandro.
Binuhos na niya ang lahat ng mga hinanakit at pinipilit niyang kalimutan ang lahat n nangyari dahil kahit alam niya na may nakaraan ang dalawa, nasasaktan parin siya.
Sinasagot naman niya ang mga tawag at text si Zandro para hindi niya pinahalata. Sinabi nito na hindi ito makakauwi agad dahil sa mga seminars at meetings na dinaluhan nito pero tipid lang ang iyang sagot. Napatanong din nito kung masama ba ang kanyang pakiramdam at ang rason niya ay maraming siyang trabaho na ginagawa.
Nilublob rin nya ang sarili sa trabaho para hindi sumagi sa utak niya ang mga nangyari.
Dalawang araw na nasa business trip si Zandro, kaya nasa grand kitchen siya ngayon at nagtatrabaho.
Ayos sa kanya na marami at busy ang kusina dahil kailngan niya ito... para sa ikakatahimik ng puso niya.
..
.
Lunch break na at nakatulala pa rin si Bella.
Pakiramdam niya para siyang lumulutang at walang ganang kumain.
"Girl, ang tamlay mo. May sakit ka ba?" Tanong ni Marie sa kanya.
Nasa Employees' Canteen sila ngayon at kumakain.
Hinawakan ni Rica ang noo. "Hindi ka naman mainit."
"Wala akong sakit. Siguro pagod lang 'to." -Bella
"Sabagay. Sobrang busy natin ngayon. Daig pang chirstmas dahil sa maraming guests." -Rica
"Nga pala Bell, kumusta na ang pwestong hinuhulugan mo?" -Marie
"Oo nga. End of the month na ang deadline." -Rica
Nabigla siya. Nakalimutan na niyang na magbabayad pa siya sa pwesto para sa kanyang restaurant.
Dahil sa problema niya kay Zandro nakalimutan na niya ito.
Na-dissapoint siya sa kanyang sarili. Ang haba ng panahon para makaipon siya pero sa kasamaang palad hindi pa sapat ang pera niya.
"Girl, malapit na ang deadline. Nakaipon ka na ba?" -Rica
"Na-nako konti pa lang e." Nahihiyan sagot niya rito.
Malaking problema ito sa kanya. Sa katapusan na ang due. Kailangan na niyang kumayod ng todo para naman makabayad na siya at hindi maibenta sa iba ang lugar.
"Gagawa ako ng paraan. Mag-aadvance na lang ako." -Bella
"Belle, pwede naman kami tumulong sa pagbabayad." -Rica
"Nako wag! Alam niyo naman na may pinagagastusan kayo diba? Okay lang. Ako na bahala." Nahihiya na siya sa kanyang mga kaibigan. Pati ito, pinoproblema pa ang sa kanya.
"Wag kang mahiya humingi ng tulong sa amin Bell. Magkakosa tayo diba?" -Rica
"Oo nga! At wag mo i-sarili ang problema mo. Baka malosyang ka agad niyan sige ka." Biro ni Leandon
Natawa siya sa sinabi nito. Kahit kailan talaga pinapasaya siya ng mga kaibigan niya.
"Thank you sa inyo talaga." -Bella
"Sus! Nagpapasalamat pa tong kampanang 'to!" -Rica
Biglang tumunog ang speaker.
"Good afternoon. The announcement, after your lunch break all of you must gather in the conference room. We have an urgent meeting. Thank you."
"Ay anong meron?" -Rica
"Hindi ko alam. Kaya nga magme-meeting diba?" -Leandon
"Kaloka ka Einstein ka! Sabunutan ka kaya kita?!" -Rica
"Wag mahal kong Ricardo! Ako na lang sabay kiss!" -Marie
"Yuck eww!" -Rica
"Guys mauna na tayo sa conference room. Tapos na rin naman tayo mag-lunch. Bell hindi mo ba uubusin ang pagkain mo?" -Leandon
"Ha? Hindi na. Busog na ako. Ilalagay ko lang ito sa counter." -Bella
Pagkatayo niya ay biglang dumoble ang paningin niya. Buti sa lamesa niya naibagsak ang dala niyang tray. Napahawak siya sa kanyang sentido.
"Bella ayos ka lang?" Bigla siyang inalalayan ni Leandon
"A-ayos lang..." Mahina niyang sagot.
"Upo ka na bilis! Sabi ng wag mong pagurin ang sarili mo kampana ka!" -Rica my halong pagaalala
"Sa clinic ka kaya muna para makapagpahinga ka?" -Marie
"Hindi ayos lang. Nabigla lang ata ako sa pagtayo ko." -Bella
"Sigurado ka? Pwede ka naman doon muna eh. Sasabihin namin anong pag-uuspan sa meeting." -Marie
"Hindi kaya ko. Okay lang ako." -Bella
Hindi niya maintindihan ang pakiramdam niya ngayon.
Nakalimutan na niya ang plano niya pati na rin ang sarili niya.
..
.
3 days from now, may isasagawang party dito sa hotel. Maraming business tycoons ang dadalo kaya kailangan nila ibahin ang menu na iseserve na para sa mga guests. It's also promoting the hotel.
Kaya ang mga chefs, kasama si Bella ay magme-meeting na para sa bago nilang ihahanda para sa party.
Naabutan na ng hanggang gabi at busy parin c bella sa meeting dahil sa pagbrabrainstorm para sa inihahanda nila para sa party.
Alas nuwebe na natapos ang meeting. Nauna ng umuwi sila Rica, Marie at Leandon kaya magisa na lang uuwi si Bella.
Nasa labas na siya ng hotel at nagaabang nang masasakyan.
Nakakapagod talaga ngayong araw. Ang dami niyang gingagawa. Mabuti na lang hindi na siya medyo nahihilo hindi gaya kanina na parang dumidilim na ang kanyang paningin.
Is it because of stress? Maybe.
Stress because of something.
May karapatan ba siyang magalit? Papano kung wala? Wala siya, umalis siya noon magkasama silang dalawa.
Hay nako. Pag iniisip na naman niya mas lalo pa siyang nakaramdam ng pagod.
"Stress can beat you up. How about I'll take you to dinner?"
Napalingon siya ng may nagsalita sa kanyang tabi. Nagulat siya sino ito.
"Hello, Belle. Long time no see."
"Matthew!"
..
.
🏴End of Chapter 39🏴
If you want kindly follow me
//WALA AKONG MA SAY PERO... ABANGAN NIO NALANG ANG SUSUNOD!
If you want to update this story, kindly VOTE or COMMENT. Im happy to read your thoughts. Thank you! LabaYah⚠⚠⚠❤
CHUCHUMIDAH!!
BINABASA MO ANG
Mister Billionaire's Secret Wife [Original Story] ( Dreame/Yugto APP Only)
RomansaHighest Rank: #4 in Romance Category ATTENTION: The completed and new version of this story can be read on DREAME/ YUGTO APP. Username: runa lee Bella dream to become a professional chef. Kaya ng may pagkakataon na makapunta siya sa France para doon...