Rampage on JS Prom

120 4 0
                                    

Chase's P.O.V
Magkaholding hands kami ni Veronica dahil nangangalay na ang braso naming dalawa. Hindi ko nililigawan si Veronica magtropa lang kami dahil bestfriend siya ng kakambal ko.

"Tara na. It's our turn para rumampa."

"Tss feeling pogi ka masyado! Tara na nga." -Veronica

"Hahaha gwapo naman talaga ako ah! Tara na nga."

Binuhat ko siya na parang bride habang papasok kami sa loob kaya't napunta sa amin ang spotlight.

"Anong gagawin ko?" -Veronica

"Iikot ka tapos ihihiga kita yung parang sumasayaw ng sweet dance para tayo ang makakuha ng star of the night. Sumabay ka sa pagbow okay?"

"Sige sige. Oo na nga!" -Veronica

Pagkadating namin sa gitna ay ibinaba ko siya at ngumiti kami sa mga nasa loob at saka ko siya umikot, ginawa namin yung plano saka kami nag bow ng sabay. Nagpalakpakan ang lahat dahil sa grand entrance namin samantalang si kambal at Danica medyo natawa dahil sa ginawa namin.

"Naks may grand entrance hindi man lang nagsabi edi sana naghanda din kami. Tol baka ikaw na naman makakuha ng star of the night gaya last year." -Chance

"Hahaha naman. Ako pa ba?! Heart-throb ata tong kakambal mo!"

"Ang hangin talaga tss" -veronica

"Bakit ba asar na asar ka sa akin? Kaya ka ba naaasar sa akin dahil binusted kita?"

"Aaaaargh bwisit ka talaga Chase ang hangin at ang yabang mo!!" -Veronica

Bigla niya nalang akong sinipa sa pagkalalaki ko kaya napaatras ako ng konti at umupo saka umub-ob para hindi makaagaw ng atensyon sa iba.

"Tol baog ka tol, pano ba yan tol? Hahahaha" -chance

"Hahaha sissy ang boyish mo talaga. Kawawa yung kadate mo nabasagan ng alaga." -Danica

"Bro labas muna ako."

Pagtunghay ko natulo na ang luha sa mga mata ko at tumakbo ako palabas para pumunta sa cr. Ang sakit ng pagkalalaki ko, ang Amazona talaga ni Veronica kaya siguro hindi magkaboyfriend napaka mapanakit. Ang sakit pa din, lumabas ako ng cr at umupo sa tabi ng pool.

"Chase sorry kung nasaktan kita. Sorry talaga." -Veronica

"Sorry is not enough! You're my slave from now on."

"What?? Are you serious?" -Veronica

Tinitigan ko siya sa mga mata halata sa mukha niya ang takot at inis sa akin. Kaya napayuko ito at bubulong bulong.

"Ano na?! Seryoso ako doon tss."

"S-Sige." -Veronica

Hinawakan ko ang kanang kamay niya at naglakad kami papasok sa loob. Naabutan naming nagtatawanan si Danica at Chance. Sobrang saya nilang dalawa samantalang ako hanggang ngayon wala pa din akong love life.

The Billionaire's Chasing QueenWhere stories live. Discover now