Chase is Jealous

73 4 0
                                    

Chase's P.O.V
"Veronica sigurado ka bang darating yung boyfriend mo?"

"Oo nandito na daw siya eh. Tulungan mo ko hanapin siya." -Veronica

"Pag ikaw niloloko lang ng hinayupak na yun aangkinin na talaga kita! Ribonucleic naman oh! Ang tagal naman ng transcript messenger RNA na yan!"

"Anong sinasabi mo?" -Veronica

"Wag ka na magtanong nagmumura ako. Yun yon! Tss ano na?!"

"Ayun!" -Veronica

Itinuro niya yung pandak na lalaki na mukhang kirat. Mas gwapo ako sa boyfriend niya -_- bakit kaya hindi ako ang piliin niya?! Nilapitan si Veronica nung lalaki at niyakap siya nito.

"Babe si Chase nga pala boyfriend ko, Chase si Franco boyfriend ko" -veronica

"Hahahahahahahahahahahahahaha nice meeting you pandak este Franco."

"Chase iwan mo na kami dito salamat sa paghatid sa akin" -veronica

"Hindi pwede! Kabilin bilinan ni tita wag kita iwan lalo na kung lalaki ang kameet up mo."

"Dude wag mo sigawan ang Girlfriend ko." -Franco

"Eh bile ka pala eh! Sinigawan ko ba? Ano? Papalag ka?"

Pinagsusuntok ko sa mukha yung lalaki sa sobrang gigil ko. Na agad namang pinagitnaan ni Veronica.

"Enough! Para kayong mga bata. Alam mo chase umalis ka na hindi ka nakakatuwa." -Veronica

"Mamili ka ver. Sasama ka sa akin o sasama ka sa chase na yan?" -Franco

"Eh pancreatic acute disease pala yang homo erectus na yan pinapasama ka ni hindi naman kayo mag asawa. Ano Veronica sasama ka sa kanya? Gaano mo kakilala yang homo erectus na yan? Tandaan mo bilin sayo ng mommy mo, ako lang ang pinagtitiwalaan niya pagdating sayo."

"Sorry Franco. Let's break up. Happy 3rd anniversary" -veronica

Tumakbo papunta sa kotse si Veronica habang umiiyak. Hinawakan ko siya sa braso at niyakap. I feel so guilty, nakasira ako ng relasyon kaya siguro walang magkagusto sa akin dahil heart breaker ako. Pano ko nga ba malalamang may boyfriend siya kung si chance ang bestfriend niya at sila ang laging magkasama. Samantalang ako puro babae ang kasama ko.

"Ihatid mo ko kay chance." -Veronica

"Sige"

Dinala ko siya sa condominium ni chance agad naman siyang tumakbo papasok sa unit ni chance at niyakap niya ng sobrang higpit si chance habang umiiyak. Nagulat yung parents ni Danica dahil sa inasta ni Veronica.

"Ang sakit sakit chance sobrang sakit. Hiwalay na kami ni Franco dahil sa katarantaduhan ni Chase" -veronica

"Sorry"

"Sorry?! T*ngin* ka! G*go sinabi ko sayo wag mong paiiyakin ang bestfriend ko!" -Chance

Pinaupo ng maayos ni Danica si Veronica nang biglang sinuntok at paulit ulit akong binubugbog ni Chance. Tinanggap ko bawat suntok niya sa akin dahil kasalanan ko naman eh.

"Ano ba chance!! Tumigil ka na!" -Mom

"Chance awat na mahiya ka sa magulang ng Girlfriend mo." -Dad

"Tarantado yang anak niyong yan eh! Sinabi ko sa kanya wag na wag niya paiiyakin ang GIRL BESTFRIEND ko anong ginawa?! Pinaiyak niya! Hoy chase wag na wag kang lalapit sa Girlfriend ko at sa bestfriend ko dahil baka hindi kita matansya mapatay kita." -Chance

"CHANCE SINABI NG TAMA NA! Hindi ka ba makikinig sa amin?" -Mom

"Sorry po mom, dad, tita, tito, baby Danica sorry hindi ko gustong magalit ng ganito." -Chance

Malayong malayo ako sa kakambal ko. Kung siya protective pagdating sa Girls ako naman ay yung mapanakit. Kabaliktaran niya ako sa lahat ng bagay.

"Sorry Mom, Dad."

"Chance uuwi na kami ng mommy mo kakausapin namin si Chase" -dad

Lumabas kami ng condominium at dumiretso kami sa bahay saka ako sinuntok ni daddy ng makapasok kami sa bahay.

"Umayos ka chase! Isang isa nalang mamumuro ka na sa akin." -Dad

"Nak naman kasi. Bakit mo ginawa yun? Alam mong ayaw na ayaw ni. Chance na umiiyak ang mga babae pero patuloy ka pa rin sa pagpapaiyak ng mga babae." -Mom

"Kasi mom until now hindi pa din ako makamove on sa ginawa sa akin ni Veronica. Naapakan yung pagkalalaki ko!"

"Hindi mo mapipilit na mahalin ka kung hindi ka naman talaga mahal. Nabusted ka lang naging ganyan ka na." -Mom

"Bukas na bukas gumawa ka na ng paraan para mabalik yung closeness niyo ng kakambal mo. Kapag di mo nagawa malilintikan ka sa akin." -Dad

Lagi nalang si chance yung kinakampihan pano naman ako?! Anak niyo din naman ako ah! Sige si chance nalang palagi. Nagkulong ako sa kwarto at hindi kumain ng hapunan.

The Billionaire's Chasing QueenWhere stories live. Discover now