Moving forward together

42 2 0
                                    

Chance's P.O.V
Mahal ko pa din si Danica pero anong magagawa ko yun yung gusto niya eh, ibinigay ko yung break up na gusto niya kahit masakit.

"Pareho pala kayong brokenhearted" -vanessa

"Bagay kayo" -destiny

"Oo bagay kami hahaha" -vanessa

"Vanessa -_- hindi tayo bagay. Tao ako gasul ka."

"Hahahahahahahahahahahahahaha ano gasul ka pala eh." -Destiny

"Tumawa ang posporo"

"Lintik ka chance lakas mo mang asar." -Destiny

"Oy Vanessa baka gusto mong bumalik sa classroom niyo magtatime na"

"Oo nga" -destiny

"Onga? Ano ka sanggol? Oh wag iiyak walang lamay" -vanessa

Dinagukan ni Destiny si Vanessa, tawa ako ng tawa sa dalawang to pag nagbabarahan sila at nagsasagutan.

Nagpaalam na si Vanessa at bumalik na siya sa room nila samantalang kami ni destiny nagkatinginan ng marealize naming hindi dito ang foreign language class namin.

Papasok palang yung Prof nang tumakbo kami palabas sa classroom at pagdating namin sa f.l class nag eexam na.

"Ms. Smith & Mr. Jung not because both of you are brokenhearted is you can go late into my class and take it as long as you want. Go ahead and take the exam. Next time schedule your dates! Understand?" -Mr/Ms. Gaylord

"Yes sir I mean ma'am."

"Sarap bigwasan! Nakakaasar." -Destiny

"What do you say there? You whisper again. I'm going to cut you off with your tongue. Assumera to." -Mr/Ms. Gaylord

"Sssshhhhh wag ka na magsalita dali magtake na tayo ng exam"

Tumango siya at kumuha kami ng test paper. After 1 hour & 30 minutes natapos din kami. Samantalang si Destiny parang asar na asar pa din dun sa baklang prof.

Kaya hinawakan ko yung pisngi niya at pinisil pisil ang cute eh para siyang lollipop.

"Wag mo paglaruan ang pisngi ko nakakaasar" -destiny

"Hahaha high blood masyado. Kalma lang."

"Tss kasi yung baklang yun ang sarap tirisin nakakatakyut yung butas ng ilong niyang kasing laki ng bunganga ni tom at yung mata niyang kasing laki ng singsing ng ikakasal kumbaga sa singsing ng ikakasal yung isa malaki yung isa maliit tapos parang inginudngod yung nguso niya sa lupang may poison ivy. Duh! Gigil niya boobs ko." -Destiny

"Wala ka nun" -vanessa

Nagulat kami ng magsalita si Vanessa na nasa may bintana nakaupo.

"Nagsalita ang leader ng mga flaternity." -Destiny

"Ganyan kayo maglambingan sa inyo?"

"Oo!" -Sila

"Chance gusto kita kaya lang mukhang type ka ni destiny magpapaubaya nalang ako" -vanessa

"Ha?"

"Wala!" -Vanessa

"Slow hahahahahahahahahahahahahaha" -destiny

"Ewan ko sa inyo. Samahan niyo ko sa pup pupuntahan ko yung bestfriend ko bukas."

"Sige basta libre mo kami ng pagkain at pamasahe. Poorita lang kami eh hahaha" -destiny

"Kayo nalang busy ako. Nag aasikaso kasi ako ng mga papers ko lilipat ako ng school" -vanessa

"SAAN?" -Kami ni destiny

O___________O -destiny

?___________? -ako

"Sa France. Doon na ako mag aaral yun kasi yung gusto ni lolo." -Vanessa

"Mamimiss ka namin :( chat chat nalang"

"Oo nga Bessie T______T wala na tuloy ako kasama sa bahay. Kainis ka!" -Destiny

"Gusto sana kita isama Bessie kaya lang ayokong paghiwalayin kayo ni Chance. Uy loves alagaan mo si Bessie ha, wag mo paiiyakin yan. Ikaw na bahala sa kanya wag mo gagayahin yung ex niya na iniwan siya." -Vanessa

Niyakap niya si destiny tapos yumakap siya sa akin ng matagal ramdam ko yung lungkot at sakit na nararamdaman niya. Inihatid na namin si Vanessa sa bahay ng lolo niya after class tapos dumiretso ako sa bahay nila destiny para samahan siya kumuha ng damit. Patutulugin ko muna siya sa bahay namin wala kasi siyang kasama.

"Bakit ka tahimik?"

"Iniisip ko kasi si Vanessa para siyang tanga magpaalam." -Destiny

"Ah hayaan mo na mahal ka ng bestfriend mo eh."

"Dati isinasama niya ako sa pagtatravel pero ngayon hindi niya ko isinama. Bakit ganun?" -Destiny

"Baka may reason talaga siya."

Tinapik tapik ko sa ulo si Vanessa at nginitian siya.

Sa totoo lang parang may dinaramdam si Vanessa na ayaw niya lang ipaalam kasi ayaw niya makasakit ng kaibigan.

Kinabukasan pumunta kami sa PUP para bisitahin ang bestfriend ko, pagkarating namin sa PUP nakita ko si Veronica sa may gate ng school may kausap na lalaki.

"Veronica."

"Uy chance, sino siya?" -Veronica

"May klase kayo? Pwede ba tayo mag usap?"

"Sige doon tayo sa mini cafe. Wala kaming klase, tara Vincent." -Veronica

Kahit nakapang doctor sila pareho nung lalaki sumama sila sa amin papunta sa mini cafe. Umorder kami ng American breakfast.

"V-Vincent" -destiny

"Teka lang destiny ha kakausapin ko lang bestfriend ko mamaya natin kakausapin yang Vincent. Wag ka umiyak ayokong umiiyak ka ng dahil sa lalaking yan. Veronica nagkikita ba kayo ni Chase at Danica? Hindi kasi sila nagpaparamdam nag aalala na sila mommy."

"Oo nagkikita kami sa UST, bakit? Wala na ba kayo ni Danica? Kasi nung nagkita kasi kaming tatlo ang sweet nung dalawa parang may something." -Veronica

"Wala na hiniwalayan na ako ni Danica hahaha masakit pa din kahit na 6 months na kaming hiwalay. Akalain mo yun 6 months na kaming hiwalay hindi man lang siya nag effort magbigay ng closure. kamusta? Sino siya?"

"Ayos lang. Si Vincent nanliligaw sa akin classmate din kami. Siya ba yung ex ni Vincent?" -Veronica

"Oo siya nga. Tol bakit mo hiniwalayan si destiny? Wala namang kami."

"Kasi ayoko na siyang masaktan ayoko ng ldr ayokong naghihintay siya sa akin. Mahirap icontrol yung schedule, destiny sorry kung nasasaktan pa din kita hanggang ngayon pero wala na yung feelings ko para sayo." -Vincent

"Ayos lang naiintindihan ko, basta wag mo sasaktan yung bestfriend ni Chance kasi ako mismo babasag ng mukha at pagkalalaki mo. Miss kapag sinaktan ka niya sabihin mo sa akin ha." -Destiny

"Sorry :'(" -veronica

"Ssshhh hush down Veronica. Don't cry, it's okay to her just hush down."

Kumalma si Veronica at nagkasundo kaming apat na magiging open sa isa't isa para sa safety ni destiny at veronica. Kinuha ko yung number ni Vincent bago kami umuwi.

The Billionaire's Chasing QueenWhere stories live. Discover now