Wrong thought

36 1 0
                                    

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAH" -Danica/Vanessa

Nagising ako sa sigaw nilang dalawa nakalimutan kong ipaalam kay Danica na nagpatulog ako ng babae dito sa bahay.

"Sino ka? Trespassing ka miss" -vanessa

"Ang kapal ng mukha mo. Ikaw ang trespassing malandi ka! Girlfriend ako ni chance. Anong ginagawa mo dito?" -Danica

"Wag baby. Teka wag mo siya saktan let me explain."

"Okay." -Danica

Ibinaba ni Danica yung bakal na nadampot niya sa likod ng pintuan. Hinila ko si Danica papasok habang si Vanessa pumasok sa kwarto at nagbihis suot niya kasi yung t-shirt ko.

"Baby siya si Vanessa pinatulog ko siya dito kasi sobrang antok na talaga ako anlayo layo ng bahay nila hindi ko na kaya yung pagod ko hindi naman pwedeng paglakarin ko siya ng malayo di ba?"

"Saan mo siya nakilala? Malay mo magnanakaw siya? Baka mamaya pikutin ka niya." -Danica

"Hindi ako ganoon. Miss alam mo salamat sa thoughts at impression mo sa akin hays by the way chance thank you for saving me last night at thank you sa pagpapatulog sa akin nalinis ko na tong unit mo. Aalis na ako." -Vanessa

"Sige Vanessa ingat ka. Baby naman wag ka namang ganyan magsalita, hindi ako magpapatulog ng ibang babae kung alam kong manggagantso."

"Sorry baby I am just scared to lose you, ayoko kasing dumating yung time na mainlove sila sayo. Lagi ka nalang hinahabol ng mga babae pano naman ako? Baby please naman next time na magpapatuloy ka ng ibang babae tell me hindi yung magugulat nalang ako na may babae dito." -Danica

Naiwang nakabukas ang pinto kaya tumayo si Danica akala ko lalabas siya yun pala isasarado niya lang yung pinto pft.

Niyakap ko siya mula sa likuran at isiniksik ang mukha ko sa kanyang leeg. Inamoy amoy ko siya, amoy matamis parang cherry na hinaluan ng roses.

"Hinding hindi kita ipagpapalit sa iba ikaw lang ang babaeng minamahal ko mula nung elementary tayo hanggang ngayon. Gusto kita makasama mula ngayon hanggang magpakailanman."

"Baby you're so sweet" -danica

Humarap siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Ayoko ng matapos tong mga yakap na to pakiramdam ko bago ko lang siya minamahal pero sobrang mahal na mahal ko si Danica at hindi yun nagbabago.

Bumitaw ako sa pagkakayakap at hinalikan siya sa ulo, pumasok ako sa kwarto at nagbihis. Kumuha ako ng wallet sa drawer at paglabas ko ng kwarto hinawakan ko ang kamay niya.

"Saan tayo pupunta?" -Danica

"Sa amusement park magdadate tayong dalawa."

"Yeeeeeeeey talaga?! Wiiiieeee ngayon lang ulit ako makakapasyal sa amusement park simula nung naging highschool tayo hindi na ako nakakapasyal ng amusement park." -Danica

Gusto kong sulitin ang bawat oras na magkakasama kami dahil magiging busy siya sa OJT kapag college na kami. Pangarap niya kasing maging flight attendant anong magagawa mahal niya ang tour around the world di ba.

Dinala ko siya sa amusement park, pagkarating namin sa amusement park pinagtitinginan siya ng mga lalaking may kadate kaya hinubad ko ang jacket ko at isinuot ko sa kanya.

Masaya kaming nagdate ni Danica wala kaming pake kung may mainggit sa amin ang mahalaga napapasaya siya.

The Billionaire's Chasing QueenWhere stories live. Discover now