Closeness with crush

29 1 0
                                    

Danica's P.O.V
Nagiging mas close na kami ni Chase, he keep reminding me kung gaano kahalaga ang edukasyon. Hindi ko na din masyado nahahawakang cellphone ko nagiging close na kasi kami ni Chase nakalimutan ko atang may boyfriend ako.

"Nagtext sayo si Chance?"

"Hindi. Pero tinext ko siya at ininvite sa event natin. Why? Hindi mo siya kinakausap no?" -Chase

"Oo eh. Pano mo nalaman?"

"Malamang lagi kang nakadikit sa akin naiilang tuloy lumapit mga babae ko." -Chase

"Sorry namimiss ko na kasi si chance hindi man lang siya mag effort na puntahan ako dito."

"Baka inaantay kang magparamdam." -Chase

"Malay ko bahala siya"

"Mga babae talaga hays sila na nga yung hindi nagpaparamdam sila pa yung mataas ang pride. Bahala ka kapag naagaw yun ng iba." -Chase

"Cheh!"

"Cheh cheh bureche mukha kang buche!" -Chase

Binigwasan ko si Chase at saka tumakbo tinaguan ko siya para di niya ako magantihan.

Fast forward

Nakasalubong ko si Chase may kaakbay na babae habang palabas ng school, babaero talaga kahapon black beauty kasama pero ngayon pang block&white ang balat. Lol sorry siya mas maganda nga lang ako kesa sa kanya.

Dumiretso nalang ako sa dorm habang papaakyat ako ng hagdan nakita ko si Chance nakaupo sa couch.

"Oh napadalaw ka?"

"Baby mahal na mahal na mahal kita sobrang namiss kita" -chance

"Chance mahal din kita. I need some rest inaantok na ako at pagod na pagod."

"Mag usap muna tayo please. Nanlalamig ka na sa akin oh. Kung kailangan ko lumipat dito sa UST gagawin ko para sayo." -Chance

Naaawa ako kay chance ibinibigay niya lahat sa akin itinuturing niya akong prinsesa pero nasasakal na ako. Hindi ko naman magawa mga gusto ko dahil napaka perfect ng relationship namin parang walang thrill nakakaumay.

"Saka na tayo mag usap."

"Danica PLEASE lets talk" -chance

He's perfect he can act like there's nothing wrong with him pero kasi gusto ko yung relasyon na kahit ldr kami nag eeffort na pumunta dito araw araw pero hindi ako sasakalin sa mga bagay na gusto niyang maging ako.

"Chance next week nalang. Kailangan ko na magreview at magpahinga"

"Sige magpapakatanga ako hanggang sa maayos pa natin to. Baby iloveyou" -chance

Iniwan ko siya sa salas at umakyat na para magpahinga. After 4 hours pagbaba ko nakita ko si chance may hawak na roses at singsing. May mga pagkain din at balloons.

"H-Happy 6 monthsary baby ko." -Chance

"Sorry sa inasta ko kanina baby I didn't mean to act like that. Iloveyou"

"Wala yun baby ko naiintindihan kong baka pagod ka lang. Don't worry hindi kita susukuan" -chance

Nagyakapan kami at nagpaalam na siyang uuwi na dahil may kailangan pa siyang ayusin.

"Naks saya mo ah?" -Chase

"Ah kasi si chance ang effort masyado"

"Pag ako ba naging boyfriend mo magiging cold ka ba sa akin?" -Chase

"Hah?"

"Wala hahaha" -chase

May balak pa ata akong sulutin ni Chase hahaha g*go talaga. Dumating sa ang manager ko dahil isa na akong artista extra lang at support kumbaga.

"Danica you need to choose. Career or love life?" -Manager

"Why?"

"Kasi magiging bida ka na sa isang drama si Chase ang partner mo kaya kailangan mo pumili" -manager

"Career"

Ayoko mawalan ng career alam kong maintindihan ako ni chance. Nakipag hiwalay na ako kay chance pinutol ko na din ang ugnayan naming dalawa.

At event

Dumating si Chance may kasama siyang dalawang babae. May dala silang pagkain at inumin mula sa Batangas hindi ko siya matitigan sa mata dahil alam kong nasasaktan siya.

"Tol, Danica sina Vanessa at Destiny nga pala mga kaibigan ko, Vanessa, destiny si chase kakambal ko tapos si Danica girlfriend ko." -Chance

"EX girlfriend to be exactly. Oh Vanessa yung babaeng natulog sa condo ng EX ko how are you?"

"Still alive. How are you too user!" -Vanessa

Inawat ni chance si Vanessa at hinila naman ako ni Chase palayo sa kanila. Napayuko nalang ako sa sobrang guilty.

The Billionaire's Chasing QueenWhere stories live. Discover now