Chapter 4 - Just a Simple Day in My Very Simple Life... Is it?

131 8 0
                                    

Diba nasabi ko na sa inyo na merong dalawang lalaking naka-hakama ang pumasok sa shop? At mukhang di sila mga normal na naka-cosplay lang na mga costumers? At mukhang wala silang magandang pinunta dito diba? Pwes mukhang nagkamali lang ako ng hinala siguro nga tama yung kasabihang "Don't judge a book by its cover." 

Nagulat na nga ako kasi biglang tumayo si Patrick tapos nag-wave siya ng hand at nag-bow sa harap nung dalawang naka-hakama. Alam niyo yun yung ginagawa ng mga japanese na pag-bow as a sign of respect? Ganun yung ginawa niya.

Lumapit naman yung dalawang naka-hakama kay Patrick then nag-bow rin sila sa kanya in return. Ah, so sila pala yung hinihintay ni Patrick dito kanina pa. Hmmm, gaano kaya ka-importante itong mga to para hintayin sila ni Patrick ng isang oras?!? 

Pinaupo na ni Patrick yung dalawang naka-hakama dun sa table niya, eh dalawa lang naman yung upuan sa isang table kaya ngayon nakatayo siya habang yung dalawa naka-upo. Lumapit naman ako agad at ginawa yung trabaho ko.

"Uhh, master, do you want me to give you another chair?" sabi ko kay Patrick na medyo nakayuko at naka-tingin sa sahig.

"Sige. Thanks. :)" pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin yun, nag-bow ako then kumuha na nga ng upuan. Linagay ko na rin yun sa isang gilid ng table para maka-upo na siya.

After kong ilagay yung upuan, kumuha naman ako ng 2 menu para dun sa dalawang naka-hakama. Pumunta na ako sa table nila at bago ko ibigay yung dalawang menu nag-bow muna ako.

"Masters, here is our menu." sabay abot ko sa kanilang dalawa yung mga menu. "Please take your time on choosing what you want to order. :)" tapos umalis na ako para mag-serve na rin sa ibang mga costumers.

Habang nag-siserve ako at tumutulong na rin sa pag-assist ng mga costumers, pakiramdam ko para akong minamatyag. Alam mo yung pakiramdam na pinapanood ka tapos tinitignan lahat ng kilos mo? Ganun na ganun yung nararamdaman ko. Inikot ko yung paningin ko sa buong shop para tignan kung meron bang nagmamasid sa akin kaso mukhang wala namang kahina-hinalang tao dito.

Kaya hindi ko na lang pinansin yung kaba at yung uncomfortable feeling na nararamdaman ko, minsan kasi praning ako tsaka diba may problema ako sa mga strangers kaya baka dala lang yun nung problema ko, nagugulat na nga lang ako kasi hindi masyadong umaatake yung sakit ko pagnagtatrabaho sa shop. Bigla namang nagtaas ng kamay si Patrick, sino kayang tinatawag nun? Nakatingin siya sa akin, hmmm ako ba tinatawag nun??? 

So gusto niya akong kausapin, hihihi (^///////^) kinikilig naman ako anu bayan?!? Bigla naman akong binatukan ni Trish yung pinsan ko. (A/N: Nickname nga pala ni Tricia ang Trish kaya minsan pwedeng Trish o kaya Tricia ang gamitin kong name ha ;) )

"Uy nagde-daydream ka na naman! Lumapit ka na nga dun sa customer ayun oh dun sa table nila" sabay tulak sa akin papunta sa table nila Patrick.

 "Hi masters! Have you choosen the items that you will order?" kinuha ko na rin yung mini notepad tsaka yung ballpen ko mula sa bulsa ng apron na suot ko para ilista yung io-order nila.

"Isang order ng moe moe omelette at choco milk tea ang akin" sabi nung isang naka-shades na naka hakama. Grabe nakakatakot naman yung aura nila masyado silang seryoso.

"Akin, isang serving ng chocolate mousse tsaka green tea." Ito namang isa, may malaking peklat sa mukha. Yung linya na yun mula sa kanang mata niya hanggang sa bandang itaas ng labi niya. Panu kaya niya nakuha yun noh? Iniisip ko nga kung part lang yun ng pagco-cosplay nila kasi mukhang totoong-totoo yung mga tattoo, peklat tsaka costume nila eh.

"Okay po masters. Meron pa po ba kayong idadagdag?"

"Wala na, sige makaka-alis ka na"

"Hai" nagbow na lang ako then pumunta sa kitchen para ibigay yung order sa napaka-bait na chef namin. :) Lumabas na ulit ako sa dining area para tumulong naman sa iba pang customers. Binibigyan ko ng menu yung iba, tapos mag-aassist naman ako sa mga naghihintay na customers tapos ise-serve ko yung mga order ng iba, alam niyo na yun basta yung trabaho ng mga maids sa maid latte. ;)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wait- - ! The NERD is What?!? (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon