*PATRICIA's POV*
"KRINNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGGGGG!!!"
Grabe naman tong alarm clock ko masyadong hyper sa pagtunog. Sige na nga gigising nako. Pinatay ko na yung alarm tapos dumiretso na sa banyo. Naghilamos lang ako para mukha namang refresh kahit papano. Kahit naman nerd ako, marunong naman akong mag-ayos ng sarili ko.
"Patty anak, bumaba ka na. Kakain na tayo" sigaw ni mommy mula sa baba.
"Opo mommy! Bababa na po!" sigaw ko rin mula sa kuwarto.
"Bilisan mo na anak! Baka ma-late ka pa sa bagal mong kumilos."
"Eto na po bababa na!" Hehe, grabe sigawan kami eh ang aga-aga pa. :)
Bumaba na ako para kumain na ng breakfast na ginawa ni mommy. Habang pababa palang ako sa hagdan na-amoy ko na agad yung mabangong halimuyak ng pagkain. :)
"Ma ano po yung ulam? Ang bango bango kasi ng amoy eh."
"Anak yung paborito mong pagkain, sunny side up na itlog tsaka kamatis"
Umupo na ako sa upuan tapos kumuha na ng pagkain.
"WOW ma! Thank you po sa pagkain. Ma, kumain ka na po sabay na tayo dito."
"Sige anak, kakain na rin ako."
Tapos ganun lang kami, kumakain habang nagke-kwentuhan tsaka nagtatawanan. Hayysss... Ang sarap talaga ng feeling na ganito kami, kasi madalas palagi nalang wala sina mommy at daddy. Kung nandito man sila, may tinatapos na trabaho sa study room o di naman kaya nasa office na agad kasi may meeting pero mas madalas naman na nasa mga business trips sila na inaabot ng 5 months o kaya minsan 1 year pa. May kaya kami at wala kaming problema financially kaso, masyadong workaholic ang mga magulang ko. Kaya minsan ko lang talaga sila nakakasama ng matagal at kapag nandito sila, pinapahalagahan ko ang lahat ng oras na magkakasama kami.
"Anak kamusta sa school mo? Masaya ba?"
"Ah... Eh... O-opo ma... Masaya naman po!" hay nako, nauutal pa ako. Ayoko naman talagang magsinungaling kay mommy kaso ayoko rin namang bigyan pa sila ng iintindihin. Masyado na silang stress sa trabaho tapos dadagdagan ko pa.
"Ah ganun ba, anak? May nambu-bully ba sayo sa school o kaya naman nang aaway sayo dun?" concern na tanong ni mommy.
"Pffttttt..." Phew, muntik ko ng mabuga yung ini-inom kong tubig sa mukha ni mommy. "Ah... eh bakit niyo naman po natanong?"
" Anak, kasi diba high-school ka na tsaka maraming nambu-bully pag sa high school? Anak, concern lang naman ako sayo." mukha ngang concern talaga sa akin si mommy. Haysss...
"Ma, huwag po kayong mag-alala. Kaya ko na po ang sarili ko tsaka mababait naman po yung mga tao sa school namin eh." Yung dalawang una kong sinabi totoo pero yung part na 'mababait naman po yung mga tao sa school namin eh' yun talaga yung hindi totoo. Ayoko mang magsinungaling kay mommy kaso kailangan talaga.
"Alam ko naman yun anak, pero kapag kailangan mo kami nandito lang kami ng pamilya mo para tumulong at sumuporta sayo :)"
"Salamat ma ha sa lahat lahat" sabay tayo ko sa upuan at yakap ko ng mahigpit kay mommy. Muntik pa nga akong maiyak kasi na-touch ako kay mommy kasi kahit busy siya, nag-aalala pa rin siya sa akin.
"Oh anak, bilisan mo na baka malate ka pa" sabi ni mommy sabay kalas sa yakap.
"Sige ma, akyat na po ako. Hehe baka nga malate na ako." tapos umakyat na ako sa kwarto ko, naligo tsaka nagbihis na rin at hinanda yung mga gagamitin ko sa school. Time check, 6:00 pa naman kaya maglalakad nalang ako papuntang school tsaka mas presko ang simoy ng hangin habang naglalakad.
BINABASA MO ANG
Wait- - ! The NERD is What?!? (ON HOLD)
AçãoJoin us in the journey of Patricia Salazar or what everyone calls "THE SCHOOL NERD" in finding the true essence of her life in this world... Siya ay isang simpleng nerd sa Furukawa Academy ngunit sa isang pangyayari, magbabago ang lahat! You wanna k...