Episode 5

271 1 0
                                    

“Andyan kana? Ok. Eh di dyan ka nalang”

Nakangiti at biglaan niyang reply sa natanggap na text, sa pag-aakalang na wrongsend lang ang nagpadala o isa itong mapanlinlang na intro sa serye ng mga scam via text messaging gaya nung mga bwaka ng inang ubod ng lambing kung makahingi ng load o magsasabing nanalo ka ng isang milyon pero kailangan mo munang magbayad para makuha ang premyo dahil sa panahon daw ngayon, wala nang libre, pati ang pagiging swerte ay may bayad. Kamote. Natatawa pang nag-antay ng reply ang binata, pero makalipas ang ilang sandali, walang pakialam itong inihagis ang cellphone sa kama bago tuluyang nagpalit ng damit.

Pagkabihis, muli nitong kinuha ang cellphone upang tawagan si Anne.

Julian: Naka-uwi na ako.

Anne: Ok. Salamat ulit kanina.

Julian: Ok lang yun. Masaya ako, na masaya ka.

Anne: Uhmm. Gusto mo pumunta dito bukas?

Julian: Ok lang.

Anne: Ipagluluto kita.

Julian: Ayos. Sige.

Anne: Ano bang gusto mo?

Julian: Basta gawa mo.

Anne: Ok. See you. Bye.

Kung meron mang theory tungkol sa pinagmulan ng isang perpektong nobya, malamang iyon ang paliwanag kung bakit nag-exist si Anne. Para siyang produkto ng collision ng isang kometa na naglalaman ng elemento ng cuteness at bouncy hair, sa isang planeta na pinagmulan ng lambing at kabaitan. Ang produkto, isang nilalang na may angking kagandahan ngunit may busilak na puso at mababang standards. Ayos. Dahil sa huling criteria niya, kahit papaano, tumaas ang posibilidad na maging kami nga. Sana lang, hindi chopsuey ang iluto niya. Kahit puro patatas lang, solb na.

Pagkatapos maghilamos at kudkurin ng ngipin gamit ang malapit nang pumanaw na sipilyo, muling tumunog ang kanyang cellphone dahil sa isang bagong mensahe.

Julian?

Pucha, sino ba ‘to? Gusto ko sanang tanungin ng makamandag na “hu u?” pero baka dati ko siyang ka-close at ma-offend. Sagabal din ang misteryosong katauhan niya sa kaunting kasiyahan ko dala ng mga tagpo namin ni Anne kaya gusto ko rin siyang buong galang na murahin kaso baka kamag-anak namin ‘to o di naman kaya e kakilala ni Mama. Mahirap na, baka pakainin ako nun ng bagong dikdik na bawang at pag-mumugin ng holy water.

Nagkibit balikat ang binata saka binura ang naturang mensahe at tuluyang natulog.

Kinabukasan, habang nagsi-sintas ng sapatos, tumawag si Anne.

Anne: San kana?

Julian: Paalis na ako ng bahay, papunta dyan. Bakit?

Anne: Ah ok. Patapos na akong magluto. Sinisigurado ko lang na hindi mo nakalimutan. Mahirap na. Baka naka-tunganga ako dito na naghihintay sa wala at naiwang nagbibilang ng mga langaw na dumadapo sa pagkain.

Julian: (Tumawa) E paano kung nakalimutan ko nga at ganun ang nangyari?

Anne: Alam mo yung eksena sa 300 kung saan tinadyakan ni Leonidas yung messenger papunta sa pit? Parang ganun. Pero iba lang isisigaw ko sa pagmumukha mo. “It was a date, dipshit!!!”.

Julian: Got it.

Anne: Good. See you. Dalian mo!

Maaaring walang kwenta para sa ibang tao ang usapan naming yun ni Anne. Pero kung susuriing mabuti, may mga nakatagong gold coins, tulad ng sa mga video games, ang palitan namin ng salita. Una, gusto talaga niya akong pumunta. Kasi tignan mo, nag-abala pa siyang i-confirm yung pagdating ko. Pangalawa, nag-quote siya sa isang pelikulang brutal pero sa totoo lang e pang-nerdo. Ibig sabihin pwede akong magdadadakdak ng tungkol sa Star Wars o LOTR nang hindi natatakot na baka iwan niya akong mag-isa sa kalsada. Panghuli, parang ang sarap pakinggan nung “dalian mo”. Ewan ko kung bakit. Sa lahat ata ng mapang-utos na pahayag, ito ang pinakamatamis, lalo na kung mula sa isang magandang binibini na gusto kang makasama. Pero syempre ibang usapan na kung isang kupal na diktador o mapang-aliping supot ang nagsabi nun.

KEEP TICKET FOR INFECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon