Episode 2

372 2 0
                                    

Ang opisyal na unang araw sa trabaho. Armado ng todo-plantsadong polo at slacks, na sa sobrang tuwid ay may kakayahan nang tumayo mag-isa, bagong shine na sapatos na may sapat na kinang upang kausapin ito at tanungin ng "who's the fairest of them all?" at company ID kung saan pinagbawalan siyang magpose ng may "peace sign" sa ibabaw ng mata, buong kaba at pananabik na pumasok si Julian sa opisina. Konting pakilala ulit sa mga kalapit na empleyado sa kanyang cubicle, sumabak na siya sa hamon ng pagiging employed citizen.

Ganito pala ang pakiramdam ng tunay na pagta-trabaho. Masaya, kasi alam mong sa gitna at dulo ng kalendaryo kong give-away ng Video City, may maiuuwi akong pang-gastos sa sarili at sa bahay. Pero medyo mahirap din kasi hindi pa ako ganun ka sanay na mautusan kung saan wala akong palag. Tipong hindi ka pwedeng bumanat ng "Ah eh.. Mamaya ko na po gagawin sir, inaantay ko pang kumulo yung mainit na tubig para sa kape ko". Hindi ka rin pwede mag sakit-sakitan ng tulad sa bahay. Dahil imbes na ipagluto ka ng sopas, dito sa opisina, malamang kaladkarin nila ako palabas at itapon sa kalsada.

Dahil sa paninibago at hindi gaanong kasanayan sa mga proseso, naging medyo mabagal ang usad ng pagtapos sa kanyang mga gawain. Pero buong pagnanais na isinubsob ni Julian ang kanyang mukha sa tambak na mga trabaho. At dahil sa pagiging abala, hindi na niya namalayan ang oras. Naalintana nalang niya ang pagdating ng lunch break ng ipaalala ito ng isang maamong boses.

Anne: Huy! Kumain ka muna. Kanina pa lunch break ah. Baka mamaya makita nalang kitang ngumunguya ng papel sa gutom.  

Julian: (Sumilip sa relo) Oo nga no. Tatapusin ko nalang muna siguro 'to. Medyo mabigat naman kasi ang kinain kong almusal kanina. Hindi pa ako gutom.

Anne: Mamaya na nga yan. Tara, sabay tayo kumain.

Julian: Ok. Five minutes.

Anne: Kita nalang tayo dun sa tinuro ko sayong kainan.

Julian: Sige. Saglit nalang 'to.

Habang sine-save ng binata ang kanyang mga ginawa sa computer, lumapit naman ang kadikit nito sa pwestong si Julius. Di tulad niya, dalawang taon na ito sa kumpanya. Popular sa mga ka-trabaho dahil sa pagiging madaldal nito at palabiro. Bukod sa isang beses na pagkikita nila, hindi niya masyado kilala ang nasabing ka-opisina, kaya laking gulat niya nang bumato ito ng isang medyo personal na tanong.

Julius: Pre, syota mo ba yang si Anne?

Julian: Hindi.

Julius: (Ngumisi) Pa-secret ka pa ah.

Julian: Hindi talaga.

Julius: Kung hindi kayo mag-syota, sabihin mo nalang sa akin ang ginamit mong sumpa?

Julian: (Naguluhan) Huh?

Julius: Alam mo ba, sa opisinang 'to lima na ang sumubok na ligawan yan? Pang anim ako. Pero lahat kami sablay. Tuwing kakausapin namin, tipong casual small talk lang, isang malamig na simangot ang isasagot na parang naka-amoy ng panis na ulam.

Julian: Baka wala lang siya sa mood ng araw na yun?

Julius: Kung ganun nga at base sa aming encounters, ibig sabihin badtrip siya 365 days a year?

Julian: (Tumawa)

Julius: I-lakad mo ako sa kanya.

Julian: Paano? E bago lang din kaming magkakilala?

KEEP TICKET FOR INFECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon