chapter 16 (one sided Kira )

28 2 0
                                    

Kira's  POV

After ng catechism,which is isang  'head wrecking' activity para sa akin,dumiretso ako ng David's.Don't get me wrong,hindi salon ang tinutukoy ko,ang academy ko ang tinutukoy ko dito.Yes,mine.

Pagbaba ko ng kotse ng taxi,wala naman nangyari.Di ako tulad ng iba na pinagtitinginan kapag dumadaan ko o kapag nandiyan.No. Iba ako.Nagtatago sila.Sila-ang mga boys. Bakit? Hindi ko rin alam.

Dirediretso akong pumasok sa office ni kuya.....Philip.

"Anung ginagawa mo dito?"Aray ko! Yan ba ang-annyeonghaseyo ng Pilipinas?Naiiba ata.

"Kuya!Wala man lang goodafternoon diyan?"Tanong ko sa kanya sabay ng paglapag ko ng sarili ko sa  sofa na nasa harap niya.

Tuwid lang siyang naka tayo.Alam ko na.

"Kuya,alam ko na kung saan ka nagmana."hindi ako pinansin ni Kuya pero nagsalita parin ako.

"Sa poste ka nagmana kuya!!" Masayang sambit ko kaya pati ang nakarinig na janitress sa labas ay narinig kong tumawa.Nahulog pa nga ata ang dala niya.Ganun ba ka havey.

Aw si kuya hindi na touch sa sinabi ko.Sabihin ko kayang ampon siya?Wag na. Baka ako pa talaga ang lalabas na ampon. Sad ako. Lagi kasi akong natatalo sa debte namin magkapatid.Sa huli si Dad ang panalo.

"Kuya titigan nalang tayo! Ang matalo--"Hindi ko natapos ang sasabihin ng biglang pumasok ang isa ko pang kuya.Si kuya Kim.

"ohh..Kira.Anung ginagawa mo dito?..wG mong kausapin 'tong si Philip mo wala siya sa mood."sabi ni kuya Kim sabay akbay kay kuya.Hindi rin siya pinansin nito.Ang boring naman ng buhay na to.grrrr.makalabas na nga.

"Wala kuya,gumala lang ako.tsaka pala kuya.gagabihin ako."aalis nalang ako.

"oi san ka pupunta?"

"Sa moon,magpapahangin."

At tuluyan na akong umalis.

Natigilan ako sa labas ng isang building ng may narinig akong familiar voice.

"Naks! Kurt libre naman jan oh."-familiar voice.

"Tumigil ka nga,Andrew Lloyd Sinco,mamaya darating rin si Zac.Siya ang mayaman eh."Yung Kurt.

"Saan ba kasi si Zacariot?"anong ni familiar voice.

"Sinundo ang kapartner niya."-Kurt.

"Kapartner saan?"

"eh yun na pala si Zac oh.Basang-basa pa ang gago!!"-Kurt.

Biglang may lumabas na isang lalaki mula sa likuran ko.Ah! Akala ko ako ang tinuro niya eh.

"Oh Zac!Musta.Yung libre mo ah."

"Oo naman.Hindi ko yun makakalimutan.Siyempre daig ko pa ang nanalo sa loto.Salamat talaga Kurt sa pagturo mo kung saan ang Wright's academy.Nakita ko na siya.Kaya lang may lahi pala

siyang kuto."

"Kuto?"

"Oo..ikot kasi ng ikot sa isip ko."

"Ayieee!"

"At ang ingay niya...mas maingay pa sa puso ko sa pagsigaw ng pangalan niya."

"Naks!!Zacariot!! Bumabanat ka na ah..paturo naman ..."-familiar  voice/Lloyd.

"Pero pare..hindi ko talaga inaasahan kanina ang nangyari."

"Bakit, anu ba yun?" sabi ng pamilyar ang boses/Lloyd.Hindi ko naman inaasahan ilingon siya sa direksyon ko.Hindi ko alam ang i rereact.Help!Pero iniwas niya lang ang tingin niya sa akin.

Napatingin sila sa paligid at dahil nakita nila ako na nakatingin sa kanila ay binulong nalang nung isa ang sasabihin niya.

Dapat ba akong  magtampo kasi hindi niya ako pinansin o maging masaya kasi nakita  niya ako?Anu ba? Anu ba angfefeel ninyo kapag nakita mo crush mo na nakatutok sayo?

"Hinal---!!!??"hindi ko narinig ang part na yun.Batukan ba naman siya at tatakpan ang bibig,maririnig ko?

"What the f*^k!!!?pare!"-kurt.

"Talaga pare?Hindi lang pala libre ang gagawin mo sa amin ngayon..gawan mo narin kami ng projects, tutal nasa mood ka ngayon.Ikaw na.Blessed."-familiar voice/lloyd.

"wheee?Pinagloloko mo ba kami?"-Kurt.

"Hindi.Seryoso.."sagot nung isa.Zaccariot ba yun?

Pinagmamasdan ko lang sila habang nagtatawanan at nagaasaran.Hindi naman maiiwasan mapatingin siya sa akin,after 3 seconds binabalik na niya ang tingin sa mga kasama niya at unti-unti silang nawala sa paningin ko.

Ang hirap ng ganito.

Bigla kong naalala na nasa boy's school pala ko.ngeeek.Alis na ako.

Habang naglalakad ako ng malakas biglang nagvibrate ang cp ko.Oo nagdadala ako ng gadgets pero minsan lang.Hindi naman halata eh.Kahit 1st yr nga nagdadala na, ako pa na 3rd yr na,inaalikabok na.

Message from Cashmier.Hay!Si Cash lang pala.

oh!Ang lakas na ng ulan ah.Standed ako.

Crazy Nine's Crazy LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon