chapter 17(tension)

60 2 0
                                    

Cashmier's POV

Paguwi ko sa bahay nag gm agad ako.Minsan lang ako may load kaya susulitin na.

#justgotloadedl  lang naman ang text ko,wala akong ibang maisip eh.

"Cashmier,anak,kakain na tayo."Tawag ni mama.

"opo mama.Lalabas na."

--

Habang kumakain kami hindi ko maiwasang mapansin ang katahimikan.Kadalasan kasi ang ingay ni mama, bakit ngayon parang napuno ng cotton ang tenga ko?weird.

"Ma may problema po ba?"Tanong ko kay mama.Natigil si mama sa pagnguya,akala ko ibabato niya ang kutsara sa akin dahil sa naistorbo ko siya sa pagkain pero imagination ko lang pala yun sahalip ay ngumiti siya sa akin.

"Nak,ang tatay mo..."Mahinang tugon ni Mother.

"Bakit po mama?"Mabilis na tanong ko.

"Uuwi daw siya ate." Napalingon ako sa kapatid ko dahil sa gulat.Akala ko ba next year pa siya babalik.Napaaga ata.

"Mama,akala ko sa susunod na taon pa siya babalik?"

"Akala ko nga rin eh. Pero hindi ko na kaya,Cashmier..."

"Ang alin mama?"

"Ang pagpapaaral sa atin,ate" Pangeepal ulit  kapatid ko.

"Hanna!Kailan ka pa natutong sumagot sa usapan ng iba?!"-sigaw ni mama kay Hanna.

"Sorry na po mama."Sagot naman ni Hanna sabay subo ng maraming kanin sa bibig niya.

"Babalik siya dito,tulad ng pinagusapan natin noon."

Hindi ko matatangap 'to."Pero mama hindi pa ako handang umalis.Mama naman.Hindi po yun ang pinag-usapan natin,diba?"Sabay tayo ko.

"Anak .."

"Mama ayaw ko."Hindi ko na napigilan ang emosyon ko at tumakbo na ako papasok sa kwarto.

Bakit ngayon pa?

(Venice's POV)

What a wonderful time of the year!Nagdate kami kanina ni Pier and guess what?What?!He gave me a  necklace!Ow ang sweet niya.

Patalon-talon ako sa kama ko ngayon as in.Ang saya ko lang talaga.Hindi ko inexpect.Whooo.

*toot ting ting toot*

Uy!Message?Baka si Yats na 'to.Dali-dali kong kinapa ang cellphone ko sa bed pero hindi ko nakita.Asan na ba yun..ah.. nandon lang pala sa desk.Ang layo ng pinaghanapan.

oh si Jhea?Anung meron?

|Ven,i nid ur help.Nag away kami ni Lance.Please.Anu gagawin ko?|

(Patayin mo na yang boyfriend mo.Mukhang walang pakialam yan sayo eh.)Muntik ko nang masabi sa kanya pero instead.....

|jhea..baka naman magtampo lang.kausapin mo kyA?|

|Hindi niya sinasagot ang tawag ko.|

Hay naku sakit sa ulo itong si Lance.

|i text mo.|

Biglang sumakit ang ulo ko dahil na basa ko ang pangalan ni Lance.Matext na nga lang si Pier.

|hi.yatz.Salamat pala sa binigay mo kanina ah.i really loved it..|

Maya-maya pa ay nag ring ulit nag phone ko.

From:Pier my loves

|Yatz,call ako.|

Crazy Nine's Crazy LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon