"HULING YAKAP"
Ang huling yakap na hindi inaasahang darating
Ngayo'y nangyari na.
Sa sandaling sinabi mo sakin na
"Mahal, ito na ang huling pagkikita"
Alam ko na, Alam ko na mangyayari ito,
Alam ko nang darating ang araw na susukuan morin akoSa sandaling sinukuan mo'ko ginawaran Kita ng huling yakap ko, sa huling yakap na yon naramdaman ko sa sarili kong di kayang mawala ka sa piling ko.
Pero mahal, nirespeto ko ang desisyon mong hindi na ako ang mahal mo, nirespeto ko ang desisyon mong hindi na ako ang gusto mong kapiling sa ilalim ng bituin habang ramdam ang init ng ating pagmamahalan, nirespeto ko ang desisyon mong wala nang pag-asang maibalik ang dating masayang alaala na ngayon ay bangungot na.Sa huling yakap na iginawad ko sayo agad naramdaman ang pag ka ulila sa halik mong tagos hanggang buto,
Sahuling yakap na iginawad sayo agad binitiwan ang salitang inaasam asam mo na .."Malaya ka na.." habang nangangarap kahit masakit, habang kumakapit kahit ako lang talaga ang kumapit, nagpapaka tanga sa taong di ka Naman mahalaga at nag papakatatag kahit mahina na..Mahal sabihin mo lang kahit sa kahuli hulihan na Mahal Kita kahit kasunod nito ay paalam na...
-AYVEH