Chapter 14: Riza's indulgence

35 5 1
                                    

Thanks for putting my works in your RL. And sa pagvvote na rin. Tapos na kasi yung FF kaya hindi kita mabigyan ng award from it. Kaya dinedicate ko na lang sayo ang isa sa mga chapters ng ongoing ko ngayon. Thanks

Chapter 14: Riza’s indulgence

(Chris’ POV)

 

 Pagtapos nung pagmamassage sa amin dalawa nagmadali na akong magbihis at maglakad para lumabas ng Spa building. “Hoy! Teka lang, ano ba?!”

 

Hinigit ni Riza yung kamay ko para harapin ko siya pero agad kong tinanggal yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Hinayaan ko lang siyang magsalita “Ano bang problema mo? Kanina lang para kang linta kung makahawak ka sa kamay ko ngayon akala mo may aids ako para kadirian mo”

“so? It’s my choice not yours” tinalikuran ko na siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Dumaan ako sa may bridge at sinundan lang niya ako

“Kanina na lang ayaw na ayaw mo akong malayo sayo dahil baka maligaw ako. Ngayon, iniiwasan mo ako?” hindi pa rin siya tumigil sa pagtatatalak

Kaya naman nilingon ko na siya “Isa pang salitang lumabas diyan sa bibig mo babawasan ko na talaga ang sweldo mo”

Tinalikuran ko na ulit siya at naglakad na papuntang shuttle terminal. Nung pagsakay ko bigla rin sumakay si Riza at tumabi sa tabi ko. Tinignan ko lang siya ng masama “Anong ginagawa mo dito?”

Napakunot lang siya ng noo “Huh? May balak ka bang iwan ako dito at iligaw?”

Hindi ko na lang siya pinansin “Salon building” sabi ko sa driver

Habang nakasakay kami sa coupé hindi maiwasan hindi magdikit yung balat namin dahil good for two lang talaga ang coupe.

At sa tuwing magdidikit ang mga balat namin parang may spark yun para sa akin. Kaya naman nahihirapan akong huminga dahil naeexcite ako masyado sa nararamdaman ko.

>\\\\\\\\\\\\\\<

“Riza!” sigaw ko dito kahit naman katabi ko lang siya

“Ano na naman ba?”

“Lumabas ka na nga. Sa ibang sasakyan ka na lang sumakay” tinanggal ko yung lock ng pintong malapit sa kaniya

“Huh?!!” kumunot yung noo niya

“Marami pa naman sasakyan sa shuttle. Hindi ka mauubusan. Labas na” nag-crossed arms ako habang tumitingin sa daan samantalang siya hindi pa rin maalis sa expression niya ang gulat

Biglang tumahimik ng ilang minuto at nararamdaman ko pa rin ang pagtitig sa akin ni Riza. Pagtitig na pagalit. “Kuya! Paki hinto po, bababa lang ako”

She Belongs with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon