Chapter 15: Incredible DATE
(Chris’ POV)
Humarap ako sa malaking salamin kung saan nakikita ko ang sarili kong repleksyon. Inayos ko ang damit na suot ko “Sir?” pagtatanong sa akin nung sales lady
Tinignan ko lang siya sa pamamagitan ng pagtingin sa repleksyon niya sa salamin “Okay na ‘to. Thank you” ngumiti na ang sales lady at iniwan ako mag-isa sa fitting room.
Andito kasi kami ngayon ni Riza sa mall, kung saan nagtingin-tingin kami sa boutique para magsukat ng damit at sapatos. Gusto ko kasi maging masaya si Riza dahil alam ko deep inside napaka-lungkot pa rin niyang babae.
Sa simpleng bagay na nagagawa ko para sa kaniya, ang kahit sandali pasayahin siya, sana ma-appreciate naman niya.
*SIGH*
Inayos ko ang buhok ko na ngayon ay kulot na.
Ang next naming pupuntahan pagtapos nito ay restaurant. Hindi ko naman talaga binalak ang bagay na ito, basta na lang pumasok sa isip ko. Parang nagddate tuloy kami.
At feeling ko doon naman talaga babagsak yun. Sana wag lang magalit si Riza.
Gusto ko talagang magtapat sa kaniya na may gusto ako sa kaniya, gagawin ko ang lahat para makalimutan niya yung boyfriend niyang sira ulo na walang alam kundi lokohin siya. Pero hindi ko alam paano sisimulan.
“haays!! Bakit ba sa tuwing iisipin ko ang mag-propose, biglang bumibilis ang tibok ng puso ko?” napahawak ako bigla sa puso ko at nakita ko ang sarili kong namumula “Badtrip! Paano ko sasabihin sa kaniya kung ngayon pa lang ganito na ako?”
Huminga ako ng malalim para kumuha ng lakas ng loob. “Okay! Kaya ko ‘to!” Tinry kong ipractice ang sarili ko sa harap ng salamin.
“Riza, I-I know you’ve been in a lot of pain and s-sufferings…” huminto ako saglit dahil kinakabahan na naman ako. At dahil sa paghinto ko nakalimutan ko ang linya na dapat sasabihin ko “FVVCCCCKKKK!!!” napasabunot ako sa sarili ko
“Bobo!!! Bobo!! Bobo!!!!”
Hindi ko alam paano ko sisimulan, at sa tuwing ibubuka ko bibig ko parang umuurong dila ko. Napahinto ako sa pag-ttantrums ng biglang pasukin ako ng sales lady sa loob ng fitting room.
“Sir, ready na po si Ms. Riza” tumango na lang ako at sumunod sa kaniya palabas ng fitting room.
Paglabas ko ng fitting room si Riza agad ang bumulaga sa akin. Nakatalikod pa lang siya pero alam ko na, bagay na bagay sa kaniya yung damit niya.
Wala pang ilang sandali humarap na rin siya sa akin nung lapitan siya ng sales lady at ituro ako. Pagharap niya parang naging slow motion ang lahat. Ang pagharap niya sa akin pati na rin ang pag-galaw ng saya ng damit niya.
BINABASA MO ANG
She Belongs with Him
Teen FictionPrologue: Riza Mae Licas defines to be HOT, SEXY, PRETTY, NICE (if she is your friend) but EVIL (if she’s your enemy). She’s almost perfect, every guy in the campus is wishing and wanting to have her but (opppps!) be careful because once you lay a...