Chapter 9: Check my heart

39 4 0
                                    

Chapter 9: Check my heart

(Chris POV)

Imbis na palihim ko silang sundan mas minabuti ko na lang umalis. Mas minabuti ko na lang pumunta sa mall para aliwin ang sarili ko.

Wala pang 30 minutes andito agad ako sa Gateway. Syempre malapit lang naman yung Eco Park dito. Habang naglilibot ako inaaliw ko ang sarili ko, nagiisip ng mga happy thoughts para maiwasang sumakit yung puso ko.

At para tuluyang maaliw ako para makalimutan yung kanina, naglaro na lang ako sa Time Zone. Nilaro ko yung favorite game ko. “ZOMBIE TIME!!” sabi ko habang nireready yung malaking baril.

Habang binbaril ko yung mga Zombie umaarte pa ako na parang si Alice ng Resident Evil. “YEAH!!” sabi ko ng malampasan ko yung level 1

Level 1 lang tuwang-tuwa na ako, para naman akong gago nito pinipilit kong maging masaya! Dahil hindi na ako natatawa sa ginagawa ko, kaya naman ibinalandra ko na lang yung baril na laruan.

“haysss!!” naisip ko sanang mag-basketball kaso nga lang nung i-slide ko na yung card ko nagdalawang isip ako.

Lalo akong mapapagod kapag naglaro nito

Aatras na sana ako sa paglalaro ng basketball ng “Chris?” pagtalikod ko nakita ko si Riza ka-holding hands yung impakto niyang boyfriend

“Babe, kilala mo siya?” humarap naman sa kaniya yung boyfriend niya para tanungin siya, tumango na lang si Riza.

Babe?!!!

EEEWWWW!! DUHHH!!! OLD-FASHION!

-____________-

“a-ah, friend ko nga pala si Chris. C-chris boyfriend ko” ngumiti sa akin yung boyfriend niya at inilahad ang kamay para makipag-shake hands. Tinignan ko lang ito ng seryoso dahil wala akong balak makipag-shake hands sa kaniya.

Mamaya madumi pa yang kamay niya, ma-virus pa ako. Mahirap na.

“A-ahh!! Diba babe gusto mong mag-basketball?? Tara laro na tayo” bigla naman hinawakan ni Riza yung kamay nung boyfriend niya na dapat ipang-sshake hands sa akin

Naglakad sila palapit sa may basketball game machine, at nung makalapit sila nagdikit ang braso namin ni Riza.

Nagbago yung isip ko na wag na lang mag-basketball. Agad kong in-slide yung card ko para mag-start ng maglaro ng basketball.

At kahit alam kong mapapagod ako ng sobra dito, wala pa rin akong paki basta ang nasa isip ko MATALO ko yung impakto niyang BOYFRIEND.

“ha… ha… ha…” kahit agaw-buhay na yung hingal ko di pa rin ako tumigil kaka-shoot ng mga bola

3….3…..2

Binilang ko yung mga na-sshoot kong bola sa isip ko

“ha…ha….ha….” kahit sinong tumabi sa akin maririnig na yung paghinga ko

Fvck shit!!

Nakakangalay na sa braso yung ginagawa ko pero wala pa rina kong tigil

3…4…6

“ha…..!haaaa……..! haaaa..!!” pabilis ng pabilis, palakas ng palakas yung paghingal ko. Naramdaman ko na rin yung walang tigil na pagpatak ng pawis ko.

3…5..0

“I..isa n-na…” napapapikit na lang ako habang nagsshoot ng bola “ha! Ha! Ha!” napatigil ako sa pagbabato ng bola.

She Belongs with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon