Chapter 4: BIMBOY

65 5 0
                                    

Chapter 4: BIMBOY

(Chris POV)

“Hoy gumising kana!” Actually kanina pa ako gising pero tinatamad pa akong bumangon kaya naman ayoko pang tumayo. Gusto ko pang mahiga at matulog.

“hoy gumising kana!!!!” kanina pa talaga ako ginigising ng babaeng ito, at kanina pa rin siya talak ng talak dito sa loob ng kwarto ko. Sa tingin niya sinong di magigising sa mala-armalight niyang boses na mas matindi pa kung bumuga ng bala.

“bubuhusan kita ng malamig na tubig kapag di kapa bumangon diyan!!!” Dinilat ko naman yung kanan kong mata at tinignan siya. Nakita ko naman na naka-crossed arms siya at halatang-halata na nanggagalaiti sa galit ang isang ‘to.

“UWAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!” humikab lang ako ng pagkalakas-lakas sabay pikit ulit ng mga mata ko. Tinakpan ko pa yung tenga ko ng unan para kahit papaano ay maiwasan ko yung ingay ng boses niya.

“Di ka ba talaga babangon?!!!” pero kahit pala takpan ko yung tenga ko wala rin nangyari dahil rinig na rinig ko pa rin yung boses niya “ISA!!” narinig ko naman yung pagkakalampag ng paa niya papunta sa akin at naramdaman ko na lang na tinanggal niya yung unan na nakatakip sa mukha at tenga ko.

“Ano ba…” para akong lasing na nagsalita “Ganyan ka na ba sa master mo?? Inaantok pa ako eh..” pagrereklamo ko naman

“P-pasensya na master ah! Sabi mo po kasi pumunta ako ng maaga sa bahay niyo para gisingin kita dahil kundi kita susundin kakaltasan mo ang pera na kikitain ko!” halata sa boses niya na sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili niya.

 “hmmmm…” humimig lang ako na parang bata na ayaw pang bumangon

“Kaya kung ayaw niyo pa pong bumangon diyan baka po ma-late tayo!!” minulat ko ulit yung kanan kong mata at tinignan siya na hawak ang unan, napansin ko lang na mahigpit ang pagkakahawak niya sa unan na iyon. Feeling ko lahat ng galit niya sa akin nilalabas na lang niya sa paghahawak ng mahigpit sa unan na yun.

“Ayoko pa bumangon!” -________- pagrereklamo ko sa kaniya

“Edi kayo po masusunod master! Aalis na po ako kasi baka ma-late pa po ako!” pagpapaliwanag naman niya. Aalis na sana siya kaso nga lang napansin kong napahinto siya sa paglalakad palabas ng kwarto ko.

Naglakad ulit siya pabalik sa akin at napansin ko naman na hawak-hawak pa niya yung unan ko. Akala ko isusuli lang niya ng maayos yung unan pero nagkamali ako

*PAK*

“ARAY!! ANO BA?!!” napahawi ako sa unan ng ibinato niya ito sa akin, at aaminin ko nagising ako sa ginawa niya “ANO BA PROBLEMA MO HUH?!!” ngayon abot hanggang langit na ang sigaw ko dahil sa sobrang inis sa ginawa niya. Kitang natutulog yung tao dito sabay ibabato niya sa akin yung unan ng pagkalakas-lakas.

“ANONG PROBLEMA KO HUH?!! EH NAKAKAGAGO KA PALA KITANG MAY DEFFENSE TAYO NGAYON TAPOS HIHILATA KA LANG DIYAN SA KAMA MO!! NI HINDI MO NGA BINASA YUNG NA-EDIT KO! ANO NA LANG ANG IEXPLAIN MO KAPAG TINANONG KA NILA HUH?!! DI PWEDENG AKO NA LANG PARATI GAGAWA NG GANUN! DI PWEDENG AKO NA LANG ANG PARATING SASAGOT SA MGA TANONG NILA! TANDAAN MO DALAWA LANG TAYO! MAHAHALATA NA WALA KANG GINAGAWA KAPAG DI KA NAKASAGOT!” At halos napaatras ako dahil sa lakas ng sigaw niya.

“tsk! Oo na ! eto na babangon na nga eh!” at kahit masama sa kalooban kong bumangon, tumayo na ako kesa naman masigawan ulit ako ng babaeng sadistang ito. Naglakad na ako papunta sa restroom ko pero bago pa man ako pumasok kinausap ko muna si Riza “Hoy, ihanda mo yung uniform ko ah” sabay pasok na ako sa loob ng cr.

She Belongs with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon