Chapter 13: Starting to move on

30 4 0
                                    

Chapter 13: Starting to move on

(Chris’ POV)

Lumabas ako ng room na hindi alam kung dapat bang matawa o malungkot “Bakit ba kasi kailangan niya ipamukha sa akin na walang kwenta lang yung pagsisikap kong mag-aral” napatigil ako sa paglalakad habang napasinghal

*pak*

Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Riza “Ano na naman ba?”

“tsk” nag-poker face siya “Ikaw na nga ‘tong tinulungan, ikaw pa iritang-irita”

“Oo na. Sige na. Edi ikaw na” inirapan ko lang siya pero hindi pa rin ako kumikilos sa kinatatayuan ko at ganun din siya.

Biglang tumahimik, hindi ko alam paano nagsimulang maging awkward ang pagsasama namin. Pero nakakasigurado ako na dahil ito kagabi.

“hmmm…” hindi namin alam dalawa kung paano babasagin ang katahimikan. First time ever in my life na matameme ako at walang masabi para lang matanggal yung awkwardness.

Tinignan ko lang siya at parang umiiwas siya ng tingin sa akin. Ganun din naman ako dahil nahihiya ako sa kaniya sa hindi ko maexplain na paraan.

Huminga ako ng malalim at nagipon ng lakas ng loob para hawakan ang kamay niya “T-tara.. Labas tayo!” I smile reluctantly just to put away that awkwardness

“a-aaahh..” hindi pa man nakaka-oo si Riza, kinaladkad ko na siya papuntang parking lot para sumakay kami ng kotse. “Teka, saan mo ba ako dadalhin?”

Hindi na maipinta yung mukha niya, siguro nagsisimula na siyang mainis “Tsk! Pwede ba wag ka na lang mag-tanong?”

“Sira talaga ulo mo, ano?” hinarap niya ako habang napapa-irap “Malay mo dalhin mo ako sa isang lugar na hindi kaaya-aya”

“Ako??” sabay turo ko sa sarili ko ng hindi makapaniwala “Ako? Dadalhin ka sa isang lugar na hindi kaaya-aya? Anong ibig mong sabihin? Na baka may gawin akong masama sayo?” I stop the car and look at her with disgrace

“Malamang, lalaki ka. Mabilis kang maakit lalo na maganda at sexy pa ako” nag-crossed arms siya habang pinagmamalaki ang katagang binanggit niya

“Aba!” napatitig ako saglit sa kaniya para suriin yung buong pagkatao niya para asarin siya na GGSS siya. Gandang-ganda sa sarili. Pero bago ko pa man masabi iyon.

*gulp*

Napatitig ako sa kaniya at hindi ko na maalis yung mga mata ko sa pagtitig sa kaniya. Ayos lang na GGSS siya dahil totoo naman talaga.

Na-distract ako sa pagtitig ko sa kaniya ng biglang magtagpo ang mga mata namin “a-ahhh…  hahahahah!” iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at pilit na tumawa habang kunwari napapasapak sa manibela “Kala mo ganda mo. HA-HA-HA…”

Liars go to HEAVEN.

Agad kong pinaandar yung kotse bago pa man siya makapagsalita “Sige, isa pang salita babawasan ko na sweldo mo” bubuka pa lang ung bibig niya pero tumigil na ito at umirap na lang.

Nakarating na kami sa destinasyon na gusto kong puntahan. Bago ako bumaba tinignan ko muna si Riza. Tumitingin-tingin ito sa kapaligiran, mukhang hindi ata niya alam na dito na kami bababa.

Agad akong bumaba ng kotse. Napansin kong hindi pa rin lumalabas ng kotse si Riza dahil mukhang na-star struck ata siya sa lugar na ito.

Binuksan ko ang pintuan sa may passenger seat “Labas,” agad siyang natauhan kaya naman nagmadali siyang lumabas ng kotse.

She Belongs with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon