Prologue

3 0 0
                                    

Dear _____,                        03-04-13

              
         Anong pakiramdam ng may hinihintay?

Yung tipong araw araw aasa ka, na makita siya, o maramdaman man lang.

Yung tipong... Kahit busy ka eh naiisip mo pa rin siya.

Anong pakiramdam ng may hinihintay?

May hinihintay na taong espesyal sayo?

Masaya.

Masaya kase,  alam mong may hinihintay ka at babalik pa siya. Kampante ka kase alam mong darating siya, at hindi ka masasaktan.

Pero....ito'y

Nakakalungkot.

Nakakalungkot kase wala kang kaalam alam kung kailan siya babalik.

Kung buhay pa ba siya.

Kung hinahanap ka ba niya.

O kinalimutan ka na.

Nakakabagot.

Nakakabagot kase, hindi mo alam kung dapat ka pang maghintay, o huminto na lang dahil ito'y wala nang saysay.

Dahil....



Nakalimot na siya.

                              ~V. AK. G~

Last LetterWhere stories live. Discover now