Pangarap Lang Kita

1.1K 26 7
                                        

"Pangarap Lang Kita"

Masakit isipin na mahal kita
Pero mahal mo ay iba
Atensyon ko ay nasayo
Atensyon mo ay nasa kaniya

Naisip mo naba?
Yung nararamdaman ko
Katulad din ng nararamdaman mo
Buo ang araw ko kapag kausap kita,nakikita
kita at nasisilayan ang mga ngiti mo sa labi
pero durog ang puso ko makita kang masaya
na kasama siya


Gusto kong sabihin ang mga katagang
PASENSIYA NA
PASENSIYA NA DAHIL IKAW PA
PASENSIYA NA MAHALAGA KA KASI
PASENSIYA NA NAGMAMAHAL LANG AKO


Pangarap lang ba kita?
Mga salitang nasasabi ko kapag nag iisa
Mga salitang pinag sisikapan para makuha
ka


Napaisip ako ako
Bakit nga ba ikaw pa?
Mahal kita pero pinipilit kong kalimutan kana
Mahal kita pero hanggang pangarap nalang
kita


Ngayon
Sinasabing mahal kita
Pero lagi mong pinamumuka na mas mahal
mo siya!


Uupo nalang sa isang sulok at mag paparinig
na sana hanggang ma realize mong SIYA
NALANG DAPAT
SIYA NALANG DAPAT ANG BINIGYAN KO NG
ATENSYON
SIYA NALANG DAPAT PINAPASAYA KO
SIYA NALANG DAPAT PINAG AKSAYAHAN
KO NG ORAS AT PANAHON
at sana
SIYA NALANG MINAHAL KO
Pero kailan?


Kailan mong maiisip ang mga bagay na iyan
Kapag ba huli na ang lahat?
Kapag ba ninais kong kalimutan kana?
Kapag ba ang puso ko ay natuto na
O kapag ba nakahanap na ng bago itong
puso ko na handang ibigay ang
pangapangailangan na hinihingi nito noon?

Itutuloy ko pabang paniwalain sa
kasinungalingan na gawa ng utak ko nag
sasabing Tama na
TIGILAN MONA SIYA NASASAKTAN KANA o

Itutuloy pabang paniwalain sa katotohanan
na gawa ng puso ko na nag mamahal lang
ng tapat at totoo sayo.

Pangarap nalang ba kita?
Na para kang bituin na ang daling hawakan
sa malayuan pero hindi sa malapitan.

Kahit anong tindi ko magdasal, isa
lang akong sirang nangangarap
sayo. Alam ko na di mo ko mahal
at di ka magiging akin. Isa kang
panaginip na di ko maabot kasi
lahat ng pinapangarap mo, kahit
kailan, di magiging ako.


****
Don't forget mag vote at comment😘

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon