"Tila'y nag bago"

30 0 0
                                    

Tanda kopa ang petsa simula noong tayong lahat ay huling nag kita
Para bang may mali akong nadama
Hindi na katulad ng dating tropa
Bigla ako nakaramdam ng kaba

Heto naba ang salitang kinakatakutan ko
Ang salitang 'Tilay Nagbago'
Pansin kolang napapadalas ang pag tatalo
Dahil lagi natin inuuna ang init ng ulo

Hindi naman tayo dating ganito
Hindi kona alam kung sino ang nag sasabi ng totoo
Hindi ko alam kung mag tatagal pa tayo
Dahil hindi kona alam kung sino ang mag i-stay sa tabi ko

Hindi natin alam kung sino ang nagbago
Ikaw ba? Siya o ako?
Hindi natin alam ang puno't dulo nito
Pero tanong kolang… dito naba mag wawakas ito?

Tatlong taon narin simula ng tayong lahat ay unang nag kakilala
Sa paaralan unang nag kita
May dalang storya ang bawat isa
Pinapanalangin na ang oras ay mag tagal pa

Nakakamiss yung mga panahon na lahat tayo ay nagkakasiyahan
Sa mga jokes na sobra sobra ang tawanan
Sa bawat 'ayiee' sa mag jowa na nag mamahalan
Yung babatukan mo kapag may ginawang kasalanan

Yung mga panahon na tayong lahat ay gumagawa ng masasayang ala-ala Yung mga panahon na walang tigil sa pag tawa
Yung bawat epic pictures na pinopost sa timeline facebook ng bawat isa Yung maingay na gc mula umaga hanggang gabi na

Yung mag tatambay sa bahay ng isa
Sabay sabay manonood ng horror at kaniya kaniyang pikit na
Yung mga surprise tuwing kaarawan ng isa
Yung bibili ng pagkain at ito'y para sa lahat na

Ang sarap balikan ang tamis na nag daan
Walang problemang kinaiinisan
Walang humpay na kwento tuwing tayo'y nag sisiuwian
Bawat sandali na ating pinapahalagahan

Ayokong ang lahat ay maging isa nalang ala-ala
Ayokong kalimutan niyo nalang basta
Ayokong darating sa punto na kakainin tayo ng problema
Ayokong dumating yung araw na mag kakasalubong ang lahat na tila ba'y walang pinag samahan ang bawat isa

Hindi ko isinulat ang tulang ito
Para mag parinig sa inyo
Kundi dahil nais kolang malaman niyo
Na hindi kumpleto ang mundo ko
Kapag walang magulo masaya at makukulit name tulad niyo sa buhay ko

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon