"Sa pagitan ng mahal mo siya ngunit mahal kita"

175 2 0
                                    

Nasa pagitan ako ng mga salitang 'mahal mo siya' ngunit 'mahal kita'

Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang ating istorya
Pero sandale…Correction ng aking istorya

Bibibilang ako hanggang lima
Pero pag sapit ng lima lahat ng namamagitan saatin ay tapos na

Una
Nakita kita
Sa lugar nakung saan mag isa ka
Nilapitan kita
Nakita kong may luha sa mga mata
Niyakap kita at sinabi kong 'tama na… at hayaan mona siya'
Ramdam ko ang sakit na nasa puso niya
Ramdam ko ang lungkot na bumabalot sa kaniya
Nag pakatatag ako para sa kaniya
Dahil ako lang ang taong masasandalan niya kapag siya ay may problema

Pangalawa
Habang tumatagal lalong lumalalim pa
Hindi kona alam kung ako'y makakaahon sa pagkaka hulog sa taong may mahal pang iba
Nandito nanaman tayo yakap yakap ang unan na basa
Kitang kita ko sa aking mga mata
Kung gaano niyo kamahal ang isa't-isa
Kaya set aside nanaman si tanga

Pangatlo
Isang araw natanong ko
"Mahalaga ba ako sa iyo?"
Nag hintay ako ng isasagot mo
Ngumiti ka sinabi mong special ako
Yung puso ko
Tumitibok ng todo
Napa 'yes' sa isipin ko
Pero pag tapos ng salita mo
May katuglong pa na "Dahil ika'y kaibigan ko"
Dinudurog ang puso ko
Pinupukpok ng martilyo
Sinasaksak ng daang-daan na kutsilyo

Pang apat
Ilang araw akong walang paramdam sa lahat
Panay ang tawag at pag pop ng messeger ko sa bawat minutong lumilipas … at kapag nakita ko ang pangalan mo ako'y mag lala log out
Kinabukasan…pumasok na sa paaralan kita kong blanko mong upuan … nag lakad ako ng ilang hakbang ngunit dipa nakakalayo
Nakita kitang papalapit sa kinatatayuan ko … mainit ang aking mga mata gusto kong tumakbo pero ayaw ng katawan ko … tinawag ka niya 'babe… halika may ipapakita akong mahalaga' isa… dalawa …tatlo at tuluyan ka nanamang nag laho at narinig konalang ang sigawan ng lahat

Pang lima
Pumunta sa tagpuan nating dalawa
Umupo sa ilalim ng puno habang nakatingin sa mga sanga
Ayokong bumagsak ang aking luha
Ayokong nakikita niya akong mahina
May narinig akong yapak ng paa Nanlalabong mga mata
Hindi ko alam kung sino ang taong nasa harapan … narinig ko ang boses mong kay ganda na parang musika sa aking tenga
Ilang minutong walang imikan at tayo'y nakaupo lang. Binasag ang katahimikan sa tanong na "May problema ba?" Hindi kona nakayang pigilan ang luha
Bumagsak nanga ng tuluyan at may balak ka sanang ako'y yakapin pero ako'y lumayo at tumalikod nalang basta
Nag dalawang isip ako kung aking bang sasagutin ang munti mong tanong na para sa ating dalawa
Isa… dalawa… tatlo… apat na hakbang bago paman akong makalayo sayo sinabi ko nalang mga salitang bumabagabag sa utak ko "Pasensiya na nasa pagitan ako ng mga salitang mahal mo siya ngunit mahal kita"

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon