"Tama Na"

471 3 0
                                    


Unang tanong saan mo sisimulan?
sa umpisa na kung saan kayo unang
nagkita
Sa gitna na ang salitang "kayo" ay pwede
pang isalba
o sa dulo? Na unti unting nawawala

Hindi mo alam kung saan
Litong-lito kana kung saan mo ito sisimulan
Payo ko sayo kaibigan
Kapag ramdam mong dikana mahalaga
bitawan mona dahil lalo kalang masasaktan

Umpisahan mo sa mga masasayang ala-ala
Kung paano kayo nag simulang dalawa
Kung saan ang simula
Kung paano ka niya pinasaya
Kung paano kaniya pakiligin sa simpleng
banat niya
Kung paano kayo nag uusap sa mga bagay
bagay na wala namang kwenta
Pero kaibigan "Mahal ka ngaba talaga niya?"
O isa kalang sa mga taong pinapaasa niya
Ngayon kaibigan alam mo naba kung saan
ang umpisa
Kung hindi pa sariwain lahat ng ala ala
Hindi kaba nakaka halata?
sa bawat "Seen" na natatanggap mo galing
sa kaniyA
Kung paano niya balewalain ang ang salitang
"Mahal Kita"
Paano niya ipakita na isa kang "Taong
Walang kwenta"
Ngayon lalaban kapa rin ba?
Isa pang payo mahal kong kaibigan
"Bitawanan mona"

Hindi kaba nag sasawA?
Hindi kaba napapagod?
Hindi kaba nasasaktan?
o sadyang nagiging manhid ka dahil sa
kaniya
Aminin moman o hindi
Nag mumukha kanang tanga
kaka asa sa walA
umaasang sa isang iglap pwedeng ibalik
lahat

Pero kaibigan Paki usap ko sayo
Pwede bang mahalin mo muna sarili mo
Intindihin mo muna ang nag iisang
tumatanggap sa katangahan mong taglay
at yan ang sarili mong buhay
Kaibigan halos hindi kana makakain,makatu
log at makausap dahil kakaisip sa walang
kwentang bagay

Isang tanong ulit kaibigan
Mamahalin mo parin ba ang taong walang
ginawa kundi ang saktan ka at paiyakin ka
sa mga kalokohan

Hindi ka parin ba natatauhan
"TANGA" lang ang gumagawa niyan
Ang ipag laban ang taong walang ginawa
kundi ang saktan kanang lubusan

Kung nakakayaman ang pagiging tanga
kaibigan
sigurado isa kana sa mga taong di nag
hihirap ngayon
Isa ka nga ba?
O isa ka sa mga "Tangang" umaasa na ang
lahat ay pwede pang balikaan

Unang tanong saan mo sisimulan?
Pangalawang tanong mahal mo parin ba?
Pangatlong tanong aasa kapaba?
Kaibigan nais kolang matauhan ka
Panahon na para ang sarili mo naman ang
bigyang halaga
Hindi pwEdeng ang mundo mo ay sa kaniya
lang umiikot ng husto
Isipin mo naman ang mga taong handang
mahalin kanang todo
Mga taong kayang ibalik ang pag mamahal
mo
Mga taong sumusuporta sayo

Tama na kaibigan
Itigil ang katangahan sa taong lagi kang
sinasaktan
Matuto kang lumalaban
Matuto ka sa mga bagay bagay na may
"Hanggangan"
Na ang salitang "Kayo" ay wala ng
patutunguhan
Kaya kaibigan
"Bitawan mona ang taong paulit ulit kalang
sinasaktan"

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon