Chapter 5

153 3 2
                                    


"AAAAHHHHH!!!!"-sigaw ko.

"ANO BA NANGYAYARE ATE SHINE!?"-rinig kong sigaw ni Air sa labas ng kwarto ko habang kumakatok.

"AAAAAHHHHHHH!!!"-sigaw ko pa din.

"SHIINE! ANO BA NANGYAYARE SA'YO DIYAN!? BUKSAN MO ANG PINTO MO!"-rinig ko namang sigaw ni Ate Sky.

"HHHHHHMMMMMMMNNNNN!!!!!!"-sigaw ko pa din pero nakatakip na yung unan ko sa mukha ko.

"SHINE! BUKSAN MO 'TO!"-katok ni ate pero tulala pa din ako at sumisigaw.

"AAAHHHHHH!!"-patuloy kong pagsigaw.

"AIR! KUNIN MO SA DRAWER YUNG SUSI DITO!!"-sigaw na utos ng Papa ko.

"BILISAN MO ANAK!!"-sigaw naman ni Mama.

Hindi ko alam kung bakit wala pa din ako sa sarili ko. Basta naririnig ko lang sila pero hindi ko alam ang mga ginagawa ko. T^T Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at lagabag ng mga paa. Nakapasok na pala sa kwarto ko sila Mama.

"Anak! Ano bang nangyayare sa'yo? May magnanakaw ba? Ano? May masakit ba sa'yo? Magsalita ka anak!"-Tanong sakin ni Mama.

"Huwag mo siyang pwersahin Ma. Umiiyak siya eh."-sabi ni papa.

WHAT!? UMIIYAK? AKO!?

"Baka naman binangungot."-sabi ni Air.

 

"Nakakita kaya siya ng salamin sa panaginip niya?"-si Ate Sky yun.

"Lokoloko."-Papa ko.

"Ito tubig, ipainom niyo sa kaniya."-rinig kong sabi ni Ate Sky.

Umiiyak nga ako dahil naramdaman ko nalang ang sarili ko na ang lalim ng paghugot ko sa paghinga. Grabe! Ang hirap pala kapag ganito. Buti nagising ako. Pinatahan at pinakalma muna ako nila mama at dahil doon nakatulog ulit ako. Ilang oras ding lumipas at nagising na ako.

"Hmn."-paginhale ko ng malalim.

"Ahhhhh."-exhale ofcourse!  Minulat mulat ko ang mga mata ko at napatingin ako sa gilid ko. O_O" Bakit nandito si Sheen?

"Sh-Sheen?"-tawag ko sa kaniya.

"Oh! Gising ka na pala Ms. Long Dry Hair."-Sheen.

 "Hindi, tulog pa ako."-sabi ko ng sarkastiko kay Sheen.

"Ms. Long Dry hair talaga oh."-si Sheen.

"Tigilan mo nga ako sa pagtawag mo sakin niyan. Hindi ka ba napapagod? Napakahaba nun?"-iritable kong sabi sa kaniya pero ngumisi lang siya sakin.

When You're Gone ( EDITED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon