Chapter 11

108 4 0
                                    

Tinignan niya ko nang mataman sa aking mga mata. Medyo napayuko ako at umiwas ng tingin.  Kase hindi ako sanay na tinitignan ako ng diretso sa mata. Feeling ko tuloy may mali sa mukha ko or may dumi ako eh. Medyo nahihiya din ako kapag ganito. Pero alam kong kailangan kong intindhin ang sitwasyon ngayon. Dahil kailangan din ni Stone ng karamay. Siguro...

Tumingin na ulit ako sa kaniya. Baka mamaya kase niyan, hindi na niya ituloy sasabihin nya ehh.

"I'll be true to you Shine. Stone Lim is not just a simple guy. I-Im from a wealthy family."-Stone.

Nosebleed naman ne'to. Pero talaga? Mayaman talaga siya. Akala ko may kaya lang. I mean, next to average family. Yung may mga kotse and such.

"I own this restaurant, my father gave me this. Pero magiging official owner pa lang ako nito pagtuntong ko ng 18."-pagpapatuloy niya. Napaubo ako ng konti. Dahil kasalukuyan kasi akong umiinom. Nanlaki naman ang mga mata ko. SOBRANG YAMAN PALA TALAGA NIYA! Kaya pala close sila nung waitress kanina.

At kahit na gulantang na gulantang na ako. Hindi pa din ako nagsasalita. Hinahayaan ko muna siya. Baka kase mawala ang momentum niya.

"Are you okay?"-tanong nya. Ugh! Nainterrupt ko siya!

"Uh, oo naman. Hindi ko lang kase akalain. Go on."-sabi ko sa kaniya. Bigla tuloy akong nahiya!

"Ah okay."-sabi niya at nagpatuloy na ulit sya.

"And I have more different properties. Pero hindi ko kailangan ang mga iyon. Para sa akin. Balewala ang lahat ng iyon."-malungkot na litanya nya. Psh! HIndi ako marunong mag-advice if ever na may problem siya ehh. Paano na 'to?

"My mom died because of me. I still blame myself about what happened before. She died because of me. I hate myself! I really am."-pagpapatuloy niya.

Nakatingin lang siya sa mesa. So, iyan na nga. Isang problema nga. Lumipat na ako sa tabi niya. Dahil nagsimula na kase siyang umiyak. Tsk! Ayaw ko pa naman ng ganito. Baka isipin pa ng iba pinaiyak ko siya. Lalaki pa naman siya.

Aish! Magseryoso ka nga SHINE ORTEZA!!

Hinahagod ko lang ang likod niya.

"My mom is blind, result of a car acciddent. She got drunk and drove fast because my dad left her alone and came along with another girl. Baby pa lang ako noon. At dahil sa nangyare. Binalikan siya ni daddy at nagkaayos na sila. Pero nung lumaki-laki na ko. Siguro mga 6 yrs. old ako noon. Nakipaglaro sa akin ang mom ko. Siya lang ang nakakalaro ko dahil hindi pa nila ako pinapayagan lumabas ng bahay. Also, tutorial lang ang pag-aaral ko kaya wala akong friends or kaklase."-Stone.

 

"Siyempre, wala pa ako sa tamang pagiisip noon. Nagpahabol ako kay mommy. Nagtago ako sa isang room. Ang tagal kong hinintay si Mommy na gulatin ako. Nang mainip ako, hinanap ko siya.  Nalaglag na pala si mommy sa hagdan."-pagkukwento niya habang umiiyak.

"Doon na natapos ang buhay niya. Nang dahil sa akin namatay siya. Hanggang ngayon hindi ko pa din napapatawad ang sarili ko."-pagpapatuloy niya pa din. Naiiyak na ko sa kaniya. Oh my Gosh.

"Pero hindi ako sinisi ni Dad dahil naiintindihan niya na bata pa ako noon. Kaya mas lalo akong nagalit sa sarili ko. Wala ni isang nanisi sa akin."-sabi pa niya. Walang hinto ang pag-agos ng luha niya. Kaya niyakap ko siya. Umiiyak na din ako.

"Sorry, Shine. I'll promise. Hindi na kita... h-halikan. Huwag mo lang akong iwan."-siya pa din.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil sa nangyare sa nakaraan mo. Hindi magugustuhan ng mommy mo kung patuloy ka pa ring nagagalit sa sarili mo nang dahil sa kaniya. Mas gugustuhin ng mom mo na kumawala ka na sa galit na iyon. Mas gusto niyang sumaya ka na. Dahil iyon lang ang tanging nagpapasaya sa ating mga mom, Stone. And don't think about the kiss. Just forget it."-sabi ko sa kaniya habang umiiyak.

"Sorry mom. Sorry. Hindi ko po sinasadya."-paulit ulit niyang sinasabi iyon at wala pa ding tigil sa pagiyak niya. Inaalo ko pa din sya. Pagkatapos ay hinarap ko siya sa akin at pinunasan ang mga luha sa mga mata niya. Nung tumahan siya. Inilagay ko muna yung ulo niya sa balikat ko. At tsaka ko hinawakan ang kanang kamay niya.

"Patawarin mo na ang sarili mo, Stone."-nasambit ko nalang.

"Salamat Shine."-sabi niya.

"Kung hindi dahil sa'yo. Hindi ako matatauhan. Nakakulong pa rin siguro ako sa nakaraan. Salamat at pinalaya mo ko. Salamat sa tulong mo."-pagpapatuloy niya.. At hinalikan ang kamay kong nakahawak sa kamay niya. Napa-ngiti nalang ako dahil may napasaya at natulungan akong tao. Pero hindi ko ine-expect na si Stone pa ang may ganoong klaseng nakaraan.

Ilang sandali pa kaming tumagal sa ganoong posisyon at nung tignan ko sya.

"Aww!"-nasambit ko nalang. Tulog na pala siya. Kaya pala hindi umiimik kanina pa.

"Anong gagawin ko?"-pagaalalang tanong sa sarili ko.

"Ehh? Umuulan pa yata?"-dagdag ko pa. Tinignan ko naman ang wristwatch ko.

"SHEMS!"-bulong ko sa sarili.

Putcha! Gabing gabi na! 10:30 pm na ehh! Hindi ko akalaing magtatagal ako ng ganito na malayo sa bahay ng nagiisa pa. Kaya naman...

"S-Stone?"-ako habang tinatapik ang kaniyang makinis at malambot na pisngi.

"Gising stone.  Gabing gabi na."-pang-gigising ko sa kaniya.

"Hmn."-ungol niya at nagmulat ng mata. At pagkatapos ay umayos siya ng pagkaka-upo.

"Stone, 10:30 pm na kasi, sorry kung nagising kita. Pwede na ba tayong umuwi?"-tanong ko sa kaniya.

"Ahh. Sige. Pasensya ka na nakatulog pala ako."-sabi niya.

"Nako! Okay lang yun. At least ikaw madaling gisingin. Hindi tulad ko. Halos limang oras nakatulog."-natawa-tawa kong sabi sa kaniya.

"Tara na. Ihahatid na kita."-sabi niya

"Ah, sige tara na."-pag-aaya ko naman.

When You're Gone ( EDITED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon