Chapter 21

80 4 0
                                    

Stone's POV

What the hell? Totoo ba iyong nakita ko? Si Shine ba talaga 'to or panaginip lang ang lahat? NO! NO! NO! Hindi ko dapat nakita ang mga iyon kahit panaginip lang 'to.

"Stone? Ano na? Gising na ba ang anak ko?"-narinig kong sabi ni Tita na paakyat na siguro dito pero hindi ko naintindihan.

"P-po?"-tanong ko naman.

"Ang sabi ko..."-si Tita na nasa may pinto na.

Sorry Shine, I have to do this.

 

 

No choice ako at agad na pumunta sa pwesto ni Shine, actually kaya ko lang naman ginagawa ito dahil hindi siya gumalaw simula kanina.

Pagkalapit ko sa kaniya, bilis bilis kong isinara ang kurtina at ipinulot ang tuwalya ni Shine tsaka ko binalot sa kaniya.

"Gising na ba si Shine?"-pagpapatuloy ni Tita sa sinasabi niya kanina.

"Ah! O-opo! N-naliligo na po siya."-sagot ko habang patuloy na lumulunok.

"Teka? Ano namang ginagawa mo diyan?"-tanong ni Tita na hindi umaalis sa may pinto. Buti na lang.

"S-sira po kase ang zipper ng pants ko. Inaayos ko lang po saglit."-pagsisinungaling ko dahil ang totoo. Tinatakpan ko lang si Shine. Salamat na lang dahil may katangkaran ako sa kaniya.

Nakatalikod ako kay tita at nakaharap naman sa pwesto ni Shine habang hawak hawak ko siya. Tulala pa rin.

"Kung gusto mo, humiram ka na lang kay Air para mas komportable ka. Okay?"-pagalok ni Tita sa akin.

"Ayos lang po ako. Saglit lang po ito at okay na."-sagot ko naman at hindi pa rin humaharap sa kaniya.

"Ikaw ang bahala. Sige, sa baba lang kami ah. SHINE! BILISAN MO NAMAN!"-sabi niya sabay sigaw naman kay Shine na sa pagkaka-alam niya at nasa banyo.

 At umalis na si Tita.

***

Shine's POV

"Bakit hindi ka muna kumatok?"-tulala pa rin ako habang kausap ko siya. Hindi pa rin kami umaalis sa ganong posisyon.

When You're Gone ( EDITED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon