OH MY GOSH!?
Bakit siya na naman!?
"Hmmn!"-ako at napatayo na ako tsaka humiwalay sa kaniya. Napatulala ako sandali at...
"Excuse lang."-sabi ko. Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Bagkus, ako ay agad na naglakad. Mabuti nga dahil nakatatayo pa ako ng maayos. At tsaka ako tumakbo papuntang banyo.
Grabe! Hanggang sa pagparito ko, ay hinahabol ko pa din nang sobrang lalim ang aking paghinga. Nung unang nangyare sa amin 'to. Nabwiset ako. Nainis. At nagtanim ng galit. Pero ngayon? Bakit hindi ko magawa ang lahat ng iyon? Bakit sa puntong ito, iba na ang naramdaman ko?
Ugh! Bakit naman ganito? Kabata-bata ko pa lang. Kung anu-ano na ang sinasapit ko sa buhay. So sa future ko ba? Mas malala pa ang aabutin ko? Hay. Huwag naman sana. Well, hindi na mauulit 'to. Itataga ko yan sa noo niya. Puno na ako ng pagkakasala. Puno na din kase ako ng kiss.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa banyo. Nahiwagaan muna ako.
"Wow! Ang ganda."-ako yan. Ang ganda ng banyo. Pang mayaman talaga at nakakalaglag ng panga ang mga disenyo. Ngayon lang ako nakakita ng bangyo na mukhang kwarto.
"Ay! Shonga!"-ako. Natalisod ako kaya agad akong natauhan. May gagawin pa nga pala ako.
Pumunta agad ako sa sink at isinubsob ang mukha ko doon tsaka naghilamos ng mabuti. Itinabi ko muna ang aking salamin sa gilid.
Nag-inhale, exhale muna ako. At tsaka ko sinabing...
"Kaya mo yan girl! Aja!"-sabi ko at kumuha ako ng tissue at nagtuyo ng pagmumukha ko na sobrang kamatis na pala sa pula.
Nag-wiwi na din ako at saglit na naghugas ng kamay. Ilang minute pa akong nagstay doon. At tsaka ko naisipang bumalik na. Baka iniwan na ko nun eh. Hinanda ko lang saglit ang sarili ko para umakto na parang walang nangyare.
"Please, wala naman na sanang susunod."-nasabi ko nalang.
Shine Side #1: Hay nako! Kunwari ka pang ayaw mo.
Hoy! Tumigil ka nga diyan! Sino naman ang taong gugustuhing malaspag ang labi niya?
Shine Side #2: Hindi naman panlalaspag ang ginagawa niya ah? And aksidente lang iyong ngayon. Assumera ka na namang uulitin niya.
S-sabi ko nga!
Shine Side #3: Bahala kayo diyan.
Thank you ah?
Napaisip nalang ako niyan habang naglalakad pabalik sa puwesto namin. Well, nababaliw na yata ako?
![](https://img.wattpad.com/cover/13938342-288-k350432.jpg)
BINABASA MO ANG
When You're Gone ( EDITED )
Teen Fictionhappy ending? yun ang akala ko.. ~3~ please play the music every chapter.. thank you!! \^0^/