Chapter 8

211 2 0
                                    

Chapter 8

It's been a week since my experience with Lyndon. I had a few quizzes kaya medyo wala ako sa sarili these past few days. Okay, I was kind of expecting to see him pero wala eh. Well he did add me on my social media accounts but that's it. He'd sometimes like my posts pero iyon na 'yon.

Napatingin ako sa cellphone ko upang tingnan ang oras. Alas dos na at wala pa rin si Kuya Greg, ang aking driver. An hour ago, sabi niya ay paalis na siya ng bahay.

Uwing-uwi na ako. I have some updates to watch before doing my homeworks and advance readings later. I sighed. Ipapasok ko na sana sa bulsa ko ang cellphone ko nang maramdaman ko itong mag-vibrate. Oh my god, si Kuya Greg na sana ito.

Nakita kong mula ang mensahe sa isang unregistered na number. Who might this be?

Hey, little angel! Me and my friend are going to play League at the place where we played last week. Do you want to join?

Medyo bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ang little angel.

Lyndon? I replied. Of course I had to make sure it was him although I'm a hundred percent sure na siya nga itong nag-text. Agad ding nag-vibrate ang phone ko matapos kong masend ang mensahe.

Yup! So, r u g?

I smiled at r u g. Hindi siya cringey na shortcut. I don't like cutting my words short kasi.

Wait one game of League would last at an average of twenty five minutes. Paano kung biglang dumating si Kuya Greg?

As if narinig ni Kuya Greg ang iniisip ko, nag-vibrate muli ang aking cellphone. It was from Kuya Greg.

Miss Angel, medyo matatagalan ako. Nasiraan ako. Malamang ay aabot ng dalawang oras ito. Pasensya na, Miss.

Mukhang umaayon ang tadhana na maglaro ako ngayon, ah? Though pwede naman akong mag-library muna upang magawa ang mga homeworks ko pero halos isuka ko na ang acads ngayon. Nakailang quiz na kami ngayong linggo kaya't puro aral na ang ginawa ko.

Nagreply muna ako kay Kuya Greg.

Okay lang po, Kuya Greg. Text niyo na lang po ako kapag ayos na at malapit na po kayo. Ingat po!

Pagkatapos naman ay kay Lyndon na ako nag-reply.

I'm g. I'll just meet you, guys, there na lang.

I texted him at nagsimula nang maglakad patungo sa computer shop.

We're at the VIP lounge.

That's his last message since hindi na ako nag-reoly at dumeretso na lang doon.

Nang makarating ako doon ay agad na hinanap ng mga mata ko si Lyndon. Nahanap ko siya nang marinig kong tinawag niya ako.

I saw him and Bryon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Bryon.

"Uy, Bry! You're here!" I exclaimed, completely ignoring Lyndon.

"Yes, I'm here with a friend," aniya at bumaling kay Lyndon. I raised my hand as if waving to finally acknowledge his presence. I also smiled at him.

"Hi, Lyndon. Si Bryon pala 'yong sinasabi mo na kasama mo," I told him and he nodded.

"Hindi ko rin in-expect na ikaw pala 'yong sinasabi ni Lyndon na makakalaro namin. Thought it would be a guy. Pero sobrang surprising talaga na it was you! Small world," Bryon said in an excited manner. My mood got brighter with his attitude. Si Bryon kasi 'yong tipo ng tao na very light and fun kasama. He's like a sunshine. Happy pill of everyone. Full of positivity.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Beast Tamed by an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon