Chapter 2

546 21 0
                                    

Chapter 2 

Lunes na ngayon at gulat na gulat ang mga classmates pati na rin yung mga iba ang course na kakilala ko sa pinagbago ng buhok ko. Sabi nila ay bagay naman daw sa'kin kaso tulad ni Mich ay nasasayangan sila. 

"Bagay ang gupit mo sayo, Angeline, pero 'di ka ba nasasayangan? Hanggang bewang na iyong buhok mo diba? Gosh, ako ang mas nasasayangan," ani Jessie, blockmate ko. Hindi ko kasama si Mich ngayon dahil may klase pa siya. Magkaiba kami ng course.

"Ano ba kayo, para kayong si Mich. Grabe, sobrang nagger niya nung papunta pa lang kami sa salon," ani ko habang sinusukbit ang bag ko sa balikat ko. Katatapos lang kasi ng last subject namin kaya papunta kaming magkaka-block sa canteen para magmeryenda.

Tumingin ako sa orasan ko. Three thirty na, thirty minutes na lang ay tapos na ang last subject ni Mich. Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko at nag-compose ng message para kay Mich na nagsasabing hihintayin ko na lang siya sa canteen.

"Pero infairness ha, kahit ganyan ang haircut mo pati ang get up mo, di ka nagmukhang lesbo. Ang girly pa rin ng dating mo. Anyway, bakit naka jeans at tee ka lang ngayon? You usually wear girly clothes," asked Rhian, also my blockmate. Sa university kasi namin, med students lang ang may uniform at kaming iba ang course, we can wear anything we want at masasabi ko ring marami kaming schoolmates ang sobrang revealing kung manamit.

"Para mag-match sa hairdo ko? I don't feel like wearing dresses with this hairstyle eh. For a change na rin," sagot ko sa kanya habang hinahaplos-haplos ang likod na bahagi ng ulo ko. Nakakapanibago na yung buhok ko na nasusuklay ko hanggang bewang eh ni hindi ko na nga maipit ngayon. Pero I have no regrets. Hassle kaya mag-blowdry at magsuklay ng mahabang buhok.

"Buti na lang two years pa bago tayo gumraduate, makakapagpahaba ka pa ng buhok. Nako, I can't imagine myself graduating with a boy's cut," said Vanessa, another blockmate of mine. I just smiled at her. She's kind of exaggerating since 'di naman matatawag na boy's cut ang buhok ko.

Nakarating na kami sa canteen at kanya-kanya na kaming order sa counter. Si Rhian nagpaiwan lang sa table dahil hindi naman daw siya ginugutom. Nauna akong makabalik sa mesa namin since I only bought a juice and a ham & cheese sandwich.

Isa-isa na ring nagsibalikan yung mga blockmate ko mula sa counter. Limang babae kami at apat na lalake. Sina Rhian, Vanessa, Jessie, Leena, Jake, Bryon, Xavier, and Drake. Close and comfortable na kami with each other since six months na rin kami magkakasama.

"Bryon, I heard Lyndon broke some girl's heart again? Is it true? If yes, pangalawa na niya yon within a week. Wala talagang kupas yung gwapong kumag na iyon," said Leena while munching her chips. Who's Lyndon? His name sounds familiar pero I really don't have any idea who he is nor what he looks like.

"Well, kilala mo naman iyong siraulo na iyon. Pinagsasabihan naman naming magbabarkada pero ang parati naman niya sinasabi eh it's not his fault daw. Yung mga girls daw ang lapit nang lapit sa kanya kahit na alam naman nilang gago siya kaya go with the flow na lang daw siya," ani Bryon. Nagsitanguan naman yung mga lalake pati si Jessie.

"You really can't have it all, 'no? He has the looks, body, and talent pero playboy. Go with the flow pero ang dali namang magcounter flow. Kung wala siyang interest dun sa girl, dapat i-snob na lang niya hindi iyong pinapaasa pa," ani Vanessa. Nakita kong ngumisi sina Bryon at Jake. Nakita ko ring siniko ni Jake si Xavier at nginitian siya ng nakakaloko.

"May pinaghuhugutan ka, Vanessa, ah? Xavier, may sinasabi si Vanessa oh. Narinig mo ba?" pangaasar ni Bryon sa dalawa. Sa pagkakaalam ko kasi, may past sina Vanessa at Xavier. Ewan ko lang kung naging official sila pero as far as I know, they were almost there.

A Beast Tamed by an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon