Chapter 9: Graduation

397 8 4
                                    

Chapter 9: Graduation

IT'S GRADUATION DAY. Excited na ako. Finally, matatapos na lahat ng paghihirap ko sa pag-aaral! Kahit naman na party girl ako, nag-aaral pa rin akong mabuti. Isa pa, mahirap ang course namin kaya hindi pwedeng hindi mag-aral. I'm especially excited because I'll receive a latin award!

Kahit na hindi ko maramdamang proud sa akin ang tatay ko, proud ako sa sarili ko. Proud din naman sa akin si Tita Kristine. Pati na rin sina Jewel at Ken. At least, other people are proud of my achievement.

Nandito na kami ngayon sa auditorium ng university. Maya-maya lang ay magsisimula na ang program. I'm wearing a simple dress underneath my toga. Simple lang din ang ayos ko. Hindi na naman kailangang sobrang kapal ng make-up. Ayokong magmukhang clown. Besides, mas maganda sa mga babae ang simple lang ang make-up. Nakalugay lang din ang buhok ko na may malalaking curls sa dulo. That's it. Wala ng kung ano-ano pang nakalagay. Hindi katulad ng ibang tao na akala mo sa party pupunta o kaya ay sa debut pupunta kung makapag-ayos.

"Attention, everyone. Please go to your corresponding seats. We will start in 5 minutes. Thank you," sabi ng master of ceremonies.

Ang kaninang nagkakagulo na mga estudyante at mga magulang ay nagsimula nang umayos. Puro pictorial ang ginagawa ng iba. Ang iba naman ay puro tawanan at tsismisan ang inaatupag. Naguguluhan na yata ang dean at iba pang officials kaya sinabing mag-settle down na. Maaaring dumating na rin ang guest speaker.

Speaking of, hindi namin kilala kung sino ang guest speaker. Ang tanging sinabi lang ay lalaki daw at successful kahit na nasa late twenties pa lang. Hindi ko na inalam pa ang ibang detalye. For sure, boring naman ang speech na magaganap. Lagi naman 'di ba? Ang pinakaaabangan lang naman ay ang mismong pagbibigay ng diploma at latin honors.

Honestly, kaya lang naman tumatanggal ang recognition and graduation ay dahil sa napakaraming tao na gustong mag-speech. May guest speaker na, may speech pa ang head ng university, may speech din ang dean sa college namin, may speech pa din ang makakatanggap ng highest latin honor— ang summa cum laude, at may speech din ang magna cum laude na makakatanggap ng second highest latin honor.

Seriously, hindi ba pwedeng isa na lang sa kanila ang magsalita? Iisa lang naman ang mga sinasabi nila. Bakit naman kailangan pang sobrang dami ng magsalita? Paulit-ulit lang naman. Dalawa lang naman ang point ng sasabihin nilang lahat. Congratulations at sana ay maging successful kaming lahat sa chosen career namin.

Waiting for Ken's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon