Chapter 15: Sweet

450 15 6
                                    







A/N: Hindi pa dapat ako mag-a-update ng WFKL. Pero dahil matagal nang nagmamakaawa sa akin sina Kate at Ken na mag-update na raw ako sa story nila, sige na nga! Hahahaha. May part two po ito. Baka sa Saturday ako mag-update no'n. O baka sa Sunday. Hindi ko alam. 'Wag kayong naniniwala sa'kin. Haha! Wala po talaga akong schedule sa pag-a-update.





Chapter 15: Sweet





"UMALIS ka diyan."





"Eh, bakit ba?"





"Tumayo ka nga. Kanina ka pa, eh."





"Ang sungit mo naman. Mamaya na kasi."





"Anong mamaya? Kanina pa tayong ganito. Nangangawit na ako."





"Ang sungit mo naman."





"Isa, Ken. Nagugutom na nga kasi ako."





Ibinuka pa niya ang dalawang braso at parang inaalay ang sariling tumingin sa'kin. "I'm all yours, baby!" nakangisi pang sabi niya.





"Kailan ka pa naging pagkain?" sarkastikong tanong ko sa kaniya. "Ano ba, Ken? Gutom na kasi ako. Tara na. Tumayo ka na diyan para makapagbihis na rin ako," kunwari ay naiinis na sita ko sa kanya.





"Oh, mauna ka na. Ang sarap-sarap pa ng higa ko eh," pang-iinis niya.





"Paano naman ako tatayo? Nakadagan iyang binti mo sa'kin," I rolled my eyes. "Alis na kasi," sabi ko habang tinutulak ko ang binti niyang nakadagan sa'kin.





"Sungit mo naman! Pagkatapos mo akong pagsamantalahan..." umarte pa itong parang aping-api. "Pagkatapos mong pagsawaan ang katawan ko, ganito na lang? Ito na lang? Ayaw mo na sa'kin?" Nagpapaawang tumingin sa siya sa'kin.





Natatawa namang umupo ako sa kama. Hawak ko ang kumot dahil wala pa rin kaming suot na damit. "Ewan ko sa'yo. Dali na, umalis ka na diyan para makapagbihis na ako. Tumalikod ka na. Isuot mo na ang boxers mo. Sige na," pangungulit ko.





Umupo siya sa gilid ng kama at inabot ang boxers. Sinunod din naman niya ang sinabi ko. Habang nakatalikod sa'kin, nagsalita siya. "Bakit ka ba nahihiya? Para namang hindi ko pa nakita iyan. Actually, natikman ko pa nga eh" Naputol ang sinasabi niya dahil binato ko siya ng unan.





Namumula na ako nang tumayo siya at humarap sa'kin. "What?" natatawang tanong niya.





"Pervert!" sigaw ko. Tumayo ako na dala pa rin ang kumot at pinulot ang mga damit kong nasa sahig. Sa banyo na lang ako magbibihis dahil mahirap na. Baka kung ano na naman ang gawin ni Ken.





Tumatawang nagbihis na rin siya. Pumasok na lang ako sa banyo at napapailing sa kalokohan ni Ken. Pagkalabas ko, nakaupo siya sa sofa at hinihintay ako. Ngumiti lang siya sa'kin at sabay na kaming bumaba.





"So, where do you want to eat?"





"I don't know. Ikaw ang taga-dito eh. Saan mo ba ako dadalin?" I asked.





"Ayaw mo bang dito na lang tayo sa bahay kumain ng dinner?" he smirked.





"Dito? Tapos hindi naman tayo makakakain ng maayos," umingos ako.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Waiting for Ken's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon